Pastor ACQ, sang-ayon sa pagbuo ng oversight panel upang i-monitor ang confidential at intel funds

Pastor ACQ, sang-ayon sa pagbuo ng oversight panel upang i-monitor ang confidential at intel funds

SANG-AYON si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagbuo ng oversight panel ng Senado upang i-monitor ang confidential at intel funds kung gagawing isang panukala.

Ngunit ayon kay Pastor Apollo, dapat ang i-monitor ng oversight panel ay ang mga opisyal na hindi mapagkakatiwalaan.

 “Kung ‘yan ay gagawing isang panukala, bakit hindi? Kung totoong pag-o-audit. Ako, kung nandiyan ako, depende sa i-o-audit ko. Ang i-o-audit ko yung nakikita kong hindi pwedeng pagkatiwalaan. So, depende, conditional,” wika ni Pastor Apollo.

Pero para i-audit ang matuwid tulad ni Vice President Sara Duterte, isang insulto ito ayon kay Pastor Apollo.

 “Pero Vice President Sara i-audit ko? Hindi. Kasi matuwid ‘yan. Pero talagang hindi mapagkakatiwalaan, magnanakaw, ‘yan dapat i-audit. Pero isama mo yung mapagkakatiwalaan, insulto sa kanila yun. Ako, i-audit mo ako, matuwid ako, ang isip ko ano hindi mo ako mapagkakatiwalaan?” ayon pa sa butihing Pastor.

Giit ni Pastor Apollo, dapat ang mga opisyal ng gobyerno na may rekord ng katiwalian ang bantayan at i-audit ng oversight panel.

Dagdag ng butihing Pastor, kung ang isang opisyal ay may rekord ng pagnanakaw, dapat itong i-audit kahit magalit pa ito.

“Pero kung ako may record ng pagnanakaw ng pera, dapat i-audit ako kahit magalit pa ako. Pero honest ako, i-audit mo ako, magkakadiperensiya tayo. Mag-audit ka dun sa mga magnanakaw o kaya i-audit mo sarili mo sasabihin ko siguro,” aniya pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter