Pastor ACQ, sinabing walang hustisya ang ginawang pagbasura ng Manila RTC sa kasong magdedeklarang terorista ang CPP-NPA

Pastor ACQ, sinabing walang hustisya ang ginawang pagbasura ng Manila RTC sa kasong magdedeklarang terorista ang CPP-NPA

HINDI na napigilan ni Pastor Apollo C Quiboloy, honorary chairman ng SMNI, na tanungin ang isang judge sa isang korte sa Maynila kung ito ba ay isang komunistang terorista na CPP-NPA.

Ito’y kasunod ng pagbasura ni Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court Branch 19 sa petisyon ng Department of Justice na ideklara bilang isang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) nitong Huwebes.

Sa kanyang programang Spotlight, tinanong ni Pastor Apollo si Judge Marlo:

“Bakit nandiyan ka pa sa hukuman na ‘yan bakit terorista ka ba rin? Nagtatanong lang ako sa’yo Judge Marlo Magdoza-Malagar. Ano ka ba talaga? Alam mo ba talaga ang pinaggagawa ng mga teroristang ito? O nagbubulag-bulagan ka o kasama ka nila? O ahas ka rin sa loob ng gobyerno nagtatanong lang ako sa’yo,” tanong ni Pastor Apollo.

“Ano ka ba komunista ka? Ano ka ba? Ano bang leaning mo? Para sa bansa at para sa katarungan? Idineklara na ngang Amerika na mismo ang nagdeklara, European Union nagdeklara, ang Espanya nang nagdeklara, New Zealand nagdeklara, ang Australia nagdeklara. Eh sino ka namang hina? Hindi ko sinasabing hinayupak ka?” dagdag ng butihing Pastor.

Ayon pa kay Pastor Apollo, walang hustisya ang nasabing judge dahil sa kanyang naging desisyon.

“Sino ka ba naman bakit ano bang leaning mo? Sinabi mo ang CPP-NPA ay hindi isang teroristang grupo. Ang sinabi mo pa ang CPP-NPA ay hindi inorganisa o umiiral para sa terorismo. Saan kang planeta galing na judge ka, mananagot ka sa iyong ginagawa, napakaraming pinatay. Alam mo ‘yung Inopacan Massacre, alam mo ‘yung Rano Massacre ilan lang ‘yan sa mga massacre na ginawa nila sa buong bansa. Kami dito ako nabiktima ang maraming member ko, mga inosenteng mga member ng Kingdom saan ka galing na planetang judge ka na hustisya ka. Wala kang hustisya,” ayon pa sa butihing Pastor.

Kaya naman para sa butihing Pastor, hindi karapat-dapat na maging husgado ang tulad ni Judge Marlo.

“Hindi ka karapat-dapat nakaupo bilang judge kung hindi mo pwedeng ideklara ang CPP-NPA-NDF na teroristang grupo samantalang maraming bansa at ang bansa natin nagdeklara at mga mata namin hindi bulag. 54 years ang pananalasa at pagpatay tapos sasabihin mong hindi inorganisa ang CPP-NPA-NDF na umiiral para sa terorismo. Ano pala itong pinaggagawa nila? Ano pala itong pinaggagawa nilang tatakutin ang tao? Ano pala itong pinaggagawa nilang ini-infiltrate tayo at tinatakot, at tini-threaten kung hindi ka sasama sa kanila? Ano pala ito? Bulag ka ba na judge? Bingi ka at bulag na judge?” ani Pastor Apollo.

Dagdag pa rito, napag-alaman na si Judge Marlo ay ang dating nagbasura din sa kasong isinampa laban sa kilalang front-organization ng CPP-NPA-NDF na Gabriela noong 2021.

Ani Pastor Apollo lumitaw na ang tunay na kulay ng nasabing judge.

Kaya naman hindi na rin napigilan ng butihing pastor na hamunin sa isang marangal na debate si Judge Marlo.

“Tingnan mo maka komunista ka talaga, o di salamat lumitaw ng mga kolor niyo. Na huwag na kayong mag kunwari maglabasan na tayo. Let us draw the line. Biro mo ito, pano  na ngayon, i-dinismis mo itong mga kasong isinampa laban sa Gabriela. Ito’y nagre-recruit napakarami kong mga ebidensiya na naka-recruit ito na namatay ang lahat ng kanilang ni-recruit sa bundok kaya hinahamon kita bilang judge, hinahamon kita sa isang marangal na debate sa Laban Kasama ang Bayan. Panindigan mo ang sinabi mo at paninindigan naming ikaw ay  nagkamali bilang judge at ang CPP-NPA-NDF at ang kanilang mga kasamahan ay mga teroristang grupo na dapat idineklara ang teroristang grupo sa Pilipinas hindi lang sa korte mo, maliwanag?” ayon ni Pastor Apollo.

Inimbitahan din ng butihing Pastor si Judge Marlo na pumunta sa programang Laban Kasama ang Bayan sa SMNI, na siyang programang inilaan ng butihing Pastor upang maliwanagan ang mamamayang Pilipino kaugnay sa mga panloloko at karahasan ng CPP-NPA-NDF

“Punta ka ng Laban Kasama Ang Bayan kung matapang ka na judge kung totoo ang sinasabi mo huwag ka matakot. Punta ka doon sa programang Laban Kasama Ang Bayan, harapin mo si Ka-Eric at si Dra. Lorraine Badoy o kung kinakailangan ako ang harapin mo punta ako doon sa studio namin diyan. Iniimbita kita, personal invitation ko sa’yo para patotohanan mo itong sinabi mo dito na ang CPP-NPA ay hindi inorganisa o umiiral para sa terorismo ‘yun ang ating issue to debate,  para marinig tayo ng taong bayan kung hindi mo mapatotohanan at mapapanindigan ‘yan, I am sorry to say kasama ka nila. Kasama ka sa teroristang grupong ito at hindi ka karapat-dapat umupo bilang judge ng Pilipinas kasi hindi ka para sa Pilipino at hindi ka para sa Pilipinas, judge ka na kampi kay Joma Sison at sa CPP-NPA,” ayon pa sa butihing Pastor.

Samantala, nalaman din ni Pastor Apollo na si Judge Malagar pala ay nagtuturo sa kanyang pinapatakbong law school sa Jose Maria College, at hindi na rin napigilan ng butihing Pastor na patalsikin ang nasabing judge dahil nagawa nitong desisyong ibasura ang deklarasyon sa CPP-NPA bilang isang teroristang grupo.

“Kung ganito ‘yung aral mo, I’m sorry, hindi kita tatanggapin bilang propesor sa JMC Law School, you are fired,” ani Pastor Apollo.

Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na kung kampi sa masama ang nasabing judge, tiyak na mananagot ito.

“Nawa’y patawarin ka ng Panginoong Diyos sa ginagawa mong ‘yan. Judge mananagot ka kasi mayroong mas judge sa’yo, ang langit ang huhusga sa’yo. Bantayan mo ‘yang mga mahal mo sa buhay magbabayad ka ng ginagawa mong ‘yan. Oo sasabihin ko sa’yo ‘pag ikaw ay kumakampi sa masama, ang langit ang hahatol sa’yo judge mabuti pa magsisi ka na kung ‘di mo babawiin itong sinabi mong ito dahil judge ka kalaban mo ang taong bayan, kalaban mo ang langit,” dagdag ni Pastor Apollo.

Follow SMNI News on Twitter