Kumakandidato pa lang sa pagka-senador si Pastor Apollo C. Quiboloy pero pinangungunahan na niya ang ‘One Tree, One Nation’ initiative sa Pantabangan, Nueva Ecija sa Sierra Madre ngayon araw.
Ang Sierra Madre ng Pilipinas ay tinaguriang ‘Mother of Mountains’. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng Luzon.
Ito ay nagdurugtong mula sa probinsiya ng Cagayan hanggang sa Quezon.
Pinaninirahan din ito ng iba’t ibang uri ng hayop at halaman kung kaya’t masarap itong binabalik-balikan ng mga turista gaya ng pag-akyat ng bundok, paglangoy sa mga talon at pagtungo sa mga katutubong pamayanan.
Pero gaya ng ibang lugar, ang Sierra Madre ay nakararanas din ng pagkasira ng kagubatan dahil sa pagtotroso at ilegal na pagmimina, mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga kalamidad.
Kaya naman sa pinalawak na programa sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran sa ilalim ng Sonshine Philippines Movement o SPM na inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy, dito sa Sierra Madre, tinungo ng SPM volunteers at KOJC members ang lugar para magtanim ng 1,500 seedlings ng ating pambansang puno ng narra na layong mapanumbalik ang mga nasisirang bahagi ng bulunduking ito… sa ilalim ng….ONE TREE…ONE NATION program ng Butihing Pastor.
Bilang isang pambansang puno, ito ay simbolo ng lakas, katatagan, at pagmamahal sa bayan. Ang puno ng narra ay itinuturing ding simbolo ng yaman ng likas na yaman ng Pilipinas.
Isinasagawa ang tree planting activity na ito ngayon dito sa Pantabangan para suklian at ibalik ang pangangalaga ng Sierra Madre sa napakaraming Pilipino dahil nagsisilbi rin ito na parang ina sa bawat panahong pinoprotektahan ang mga taga-Luzon at pinapahina ang lakas ng bagyo na nagmumuo mula sa Pasipiko.
Ang nasabing programa ay nagpapatuloy sa iba’t ibang panig ng bansa mula sa pagtatanim ng mga punong kahoy hanggang sa paglilinis ng mga estero, ilog, at karagatan.
Isang programa na hindi lang ordinaryong hakbang kundi isang ekstraordinaryong gawain na mapanumbalik ang ganda ng kalikasan at kapaligiran.
Ito’y habang hindi pa senador—kumakandidato pa lang si Pastor Apollo C. Quiboloy.
#OneTreeOneNation
#SaveSierraMadre
#PastorApolloParaSaKalikasan