SINABI ni Senatorial Aspirant, Pastor Apollo C. Quiboloy na ang pera ng taumbayan ay mahalaga lamang para maging first-world country ang Pilipinas.
“Ang pera ng taumbayan ay mahalaga lamang sa akin kung ito ay gagamitin para sa interes at kaunlaran ng ating minamahal na Pilipinas para ito ay maging isang first-world country. Kung hindi, wala itong layunin kundi ang katiwalian,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Aspirant.