HINDI pinalampas ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkakataong makapaghatid ng tulong sa mga lubhang nasalanta ng bagyong Auring.
Kaya naman ay agad nitong tinipon ang mga volunteer para sa dalawang araw na massive relief operations sa magkahiwalay na bayan ng Marihatag at Claver sa Surigao del Sur, na ilan lamang sa mga lugar na nasalanta ng nagdaang bagyo.
Naghanda ang mga volunteer ng Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Media Network International ng libu-libong relief items na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyong Auring sa mga nasabing lugar.
Inaasahang libo-libong indibidwal ang hindi nakaligtas sa sakunang dulot ng bagyong Auring partikular na sa mga storm surge sa lugar–sa katunayan, ilan sa mga ito ay walang naisalbang gamit, maliban na lamang sa kanilang suot-suot nitong mga damit.
Samantala, maingat na inihanda ng mga volunteer ang libo-libong relief goods sa nag-uumapaw na balde na may lamang easy to cook food, noodles, condiments, at anti-COVID kits kasali na rito ang facemasks, alcohols, at iba pa.
Bukod pa sa mga relief items na lubhang kailangan ng mga biktima ng bagyo, ay isang malaking feeding program ang inihanda ni Pastor Apollo sa pamamagitan ng mga volunteer nito sa kaparehong araw ng relief operations.