CEBU City—Sa ginanap na Cebu Indignation Rally ng Hakbang ng Maisug-Cebu, ipinahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang buong suporta sa pagtakbo ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang senador sa darating na halalan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni dating Pangulong Duterte ang mga katangiang nagpapakilala kay Pastor Quiboloy bilang isang karapat-dapat na lider. “Si Pastor Apollo ay isang taong maka-Diyos, mabuting tao, at napakabait. Wala akong nakikitang mali sa kanya. Kaya kung makapasok si Pastor sa senado, magiging mabuting konsensya siya roon—siya ang maaaring magmulat ng kanilang konsensya. Magiging konsensya siya sa senado,” pahayag ni Duterte.
Idinagdag pa niya na ang kasalukuyang Senado ay nangangailangan ng isang lider na may malinis na intensyon at matibay na paninindigan. “Kulang sila roon ng gabay kung ano ang tama, kung ano ang mabuti, at kung ano ang hindi. Si Pastor ang nakikita kong magdadala ng pagbabago sa Senado para sa Diyos,” dagdag niya.
Nanawagan din si dating Pangulong Duterte sa lahat ng Pilipino na suportahan at iboto si Pastor Quiboloy. “Kaya, Pastor, hangad ko ang iyong tagumpay. At nananawagan ako sa lahat na iboto si Pastor, dahil siguradong hindi kayo magsisisi,” wika niya.
Malapit na magkaibigan ang dating pangulo at si Pastor Quiboloy, na minsang nagsilbi bilang kanyang spiritual adviser.
Matatandaan na ang indignation rally na ito ay ginanap bilang pagtutol sa isinusulong na impeachment ng kamara laban kay Vice President Sara Duterte. Tinatayang aabot sa higit apatnapung libo ang dumalo sa rally na ito na dinaluhan rin ng PDP-Laban senatoriables kabilang na ang kinatawan ni Pastor Quiboloy.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com
Media Contact:
Hannah Jane Sancho
Media Relations [email protected]
+639-177-141-820