Pastor Apollo C. Quiboloy at KOJC, nanawagan ng panalangin at pagkakaisa para sa INC Peace Rally   

Pastor Apollo C. Quiboloy at KOJC, nanawagan ng panalangin at pagkakaisa para sa INC Peace Rally  

NAGPAHAYAG ng kaniyang panalangin si Pastor Apollo C. Quiboloy at ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para sa malawakang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand at sa iba pang lugar sa buong bansa ngayong Lunes, Enero 13, 2025.

Sa pahayag ng KOJC, kanilang idinadalangin at hinihiling ang gabay ng Makapangyarihang Diyos para sa tagumpay ng malawakang rally ng naturang religious group na inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong miyembro nito, kasama ang iba’t ibang grupo at organisasyon.

Ipinagdarasal din ng KOJC na magkaroon ng liwanag at pagkaunawaan ang mga Pilipino, upang muling umiral ang pagkakaisa at kapayapaan sa bansa.

Nananawagan din si Pastor Apollo at ang KOJC, na mamulat ang bayan sa pagluklok ng mga lider na maka-Diyos at magdadala ng pag-unlad, kapayapaan, kaunlaran, at katatagan sa bansa lalo na sa panahon ng matitinding hamon at krisis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble