Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, mananatili para sa nation-building; PBBM, patuloy na susuportahan

Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, mananatili para sa nation-building; PBBM, patuloy na susuportahan

MULING inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na nakalaan ang SMNI sa nation-building at suportado ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. pero hindi nito sinusuportahan ang mga korap na kawani ng gobyerno o ang mga politiko na inuuna ang pansariling interes bago ang pagseserbisyo sa bayan.

Ayon sa butihing Pastor, tatayo ang SMNI para sa katotohanan upang tuluyang wakasan ang paglaganap ng salot sa lipunan na CPP-NPA-NDF na naging sanhi ng pagkakawatak-watak ng ilang pamilyang Pilipino.

 “Inialay natin sa SMNI particular, inalay ko ang broadcast media ng SMNI tatlong oras bawat araw para maliwanagan ang ating kababayan sa Pilipinas at sa buong sanlibutan at ‘yun namang nasa gobyerno ay tama ‘yong sinabi nyo dito. Ang sino mang, ang hindi kumakalaban sa tunay na kalaban ng estado na maituturing na walang pagmamahal sa bayan o di kaya nakikiapid sa mga kalaban, nakikiapid pa sa kalaban, tunay totoo yan,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Merong taga gobyerno riyan gusto pa ata hindi banggitin ang SMNI, taga gobyerno yun, kung totoo man tong nabalitaan ko, ‘huwag ninyong banggitin ang SMNI’, ano kayo taga saan kayo! Gobyerno kayo, dapat kayo ang number 1 na tumatayo katulad namin, kami private sector, tumatayo para sa ating bansang Pilipinas,” saad ni Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, hindi nangangailangan ang SMNI ng pagkilala dahil ang unang layunin nito ay makatulong sa bansa.

“Dapat nga pasalamat kayo sa SMNI, pasalamat kayo meron kaming pagmamahal sa bansang ito. Ayaw namin ng credit, kung credit ang hinahanap ninyo, inyo na lang. ‘Pag nawala ang NPA na ito at maraming dahilan na kami ang naging dahilan na na-inform ang mga tao, hihinto na ang bibig namin, lahat ng awards, inyo na ‘yan, wala kaming pakialam diyan. Basta ang pakialam namin mawala ang salot na ito sa bayan na ito,” aniya.

“Whoever grabs the credit, we don’t care about credit. We don’t care about reputation, what we care about is the result,” dagdag ni Pastor Apollo.

Binigyang-linaw rin ni Pastor Apollo na hindi nakikipagkompetensiya ang SMNI sa gobyerno dahil taong 2005 pa ay namamahagi na ito ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at mga kalamidad.

“Pag nawala ang CPP-NPA na teroristang ito—-bahala na kayo sa credit kung kukunin ninyo,” ayon sa butihing Pastor.


Follow SMNI NEWS in Twitter