Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, pinarangalan ng World-Class Excellence Awards sa Malaysia

Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, pinarangalan ng World-Class Excellence Awards sa Malaysia

UMABOT sa tatlong parangal at pagkilala ang tinanggap ng SMNI at ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa naganap na 22nd World-Class Excellence Awards sa bansang Malaysia.

Dahil sa pagiging makatao at pagiging makabayan ni Pastor Apollo partikular sa mga kabataan sa buong mundo at naging daan para magsilbing inspirasyon ang butihing Pastor sa mas nakararaming Pilipino.

Kinilala si Pastor Apollo bilang Outstanding Philantropist and Inspirational Leader of the Year ng 22nd World-Class Excellence Award sa ilalim ng Asia Pacific Awards Council (APAC) na ginanap sa World Trade Center sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Linggo, Oktubre 23.

Ayon kay Ms. Amelia Sunio Abarquez, Project Chairman ng Asia Pacific Awards Council, napili at nabigyan ng pagkilala si Pastor Apollo dahil kagaya ni Abarquez tumutulong din aniya ito sa mga homeless at inabandonang mga kabataan gaya ng mga humanitarian deeds ni Pastor Apollo sa pamamagitan ng Children’s Joy Foundation.

Bukod pa rito, kinilala rin ng APAC ang isa sa programa ni Pastor Apollo na Powerline kung saan binigyang parangal ito bilang Outstanding Inspirational TV Program ng Global Excellence Award dahil maliban pa sa pagbibigay ng maka espiritwal na usapin, tumatalakay rin ito ng mga napapanahong isyu ukol sa pulitikal na estado ng bansa na siyang nagbibigay inspirasyon sa mga manonood.

Pinarangalan din ng Global Excellence Award ang Sonshine Media Network International (SMNI) at ang programang The Deep Probe, The SMNI Presidential Debate bilang Best TV Special Coverage for Presidential Debate and Election sa katatapos lamang na Election 2022.

Kinilala ang SMNI dahil sa adbokasiya nitong maipakita ang pantay at walang kinikilingang presidential debate na nagbigay daan para makilatis ng mga botante ang sa tingin nila ay karapat-dapat na maging bagong pinuno ng Pilipinas.

Maliban pa rito, pinarangalan din ang SMNI dahil sa world-class nitong coverage set-up noong presidential debate.

Dahil sa lubos na pagtitiwala ng naturang award giving body kay Pastor Apollo at sa SMNI, umabot sa tatlong parangal ang tinanggap ng butihing Pastor mula sa bumubuo ng Asia Pacific Awards Council at sa kabila nito, nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang lahat ng bumubuo ng APAC sa butihing Pastor.

Umaasa ang pamunuan nito na ang ginintuang puso ni Pastor Apollo para sa bayan at para sa buong Pilipinas ay maging mabuting halimbawa na dapat tularan ng iba pang grupo at mga kabataan sa darating na henerasyon.

Ang Asia Pacific Awards Council ay isang global award-giving body kung saan kinikilala ang lahat ng indibidwal na umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagpupursige at pagsisikap na mapalago ang kanilang negosyo.

Sa gitna ng pagtitipon pinarangalan sa 22nd World-Class Excellence Award ang bawat indibidwal na nagpatunay na hindi hadlang ang anumang suliranin at hindi kailangan ng anumang titulo para maabot ang tagumpay na inaasam, bawat isa sa kanila naniniwala na kung pursigido ay magiging matagumpay.

Samantala, ang mga parangal na binigay ng Asia Pacific Awards Council kay Pastor Apollo at sa SMNI ay isa lamang sa mahigit 50 karangalan na naibigay ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter