Pastor Apollo C. Quiboloy, dinepensahan ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC Dr. Lorraine Badoy

Pastor Apollo C. Quiboloy, dinepensahan ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC Dr. Lorraine Badoy

DINEPENSAHAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Honorary Chairman ng SMNI, ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Dr. Lorraine Badoy mula sa mga kritiko nito.

Ito’y kasunod ng naging babala ng Korte Suprema kaugnay sa umano’y threat o pagbabanta ni Dr. Badoy laban sa judge na nagbasura sa petisyon ng justice department na ideklara ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang grupo.

Matatandaang inulan ng batikos si Judge Marlo Magdoza-Malagar sa naging desisyon na hindi ideklara bilang terorista ang CPP-NPA.

Sa kanyang programang Spotlight nitong Huwebes, binigyang-diin ni Pastor Apollo na karapatan ng Korte Suprema na protektahan ang nasasakupan nito at ang ginawa ni Dr. Badoy ay bahagi lamang ng kanyang karapatan na magpahayag.

“Karapatan ng Supreme Court ‘yun kasi poprotektahan nila ang kanilang hanay, walang mali doon sa desisyon, wala naman silang pakialam doon sa desisyon na ‘yun. ‘Yun ang pinag-uusapan natin ngayon. ‘Yun lang salita ni Dr. Lorraine Badoy if sabi niya, mayroong if eh, freedom of speech ‘yun. Ako, ganoon din ako kung minsan, napakaraming beses. Si Mayor Duterte at President Duterte talagang diretsohan, “I will kill you,” hindi lang isang beses niya ginawa ‘yun, maraming beses. Kasalanan ba ‘yun? Freedom of speech, idemanda mo si Digong, anong sasabihin niya? “Storya ra man na! Maniwala pala kayo diyan, storya man lang ‘yan,” pahayag ni Pastor Apollo.

Pagdidiin pa ni Pastor Apollo, na walang hindi kumampi kay Dr. Badoy sa ginawa nitong pagtindig laban sa mga komunistang teroristang grupo.

“Freedom of speech niya ‘yun sa kanyang damdamin pero ang reaksyon ng buong Pilipinas, walang isang hindi kumampi kay Dr. Lorraine Badoy. Bakit? Ang ating Supreme Court ay ang pinakamataas na korte ng buong sanlibutan ng buong Pilipinas. Saan sila kumukuha ng hugot ng kapangyarihan, di ba sa tao?” ayon kay Pastor Apollo.

“Ngayon, kung ang tao lahat kumampi kay Dr. Lorraine Badoy, walang hindi kumampi kasi ayaw talaga nila ang CPP-NPA-NDF.”

Binanggit naman ni Pastor Apollo ang sinabi ng isang kilalang judge sa Amerika kaugnay sa pagtitiwala ng taumbayan sa pinakamataas na hukom ng lupa.

“Iko-qoute ko lang ‘yung United States Circuit Judge na ang pangalan ay si Irving Kaufman, it was Irving Kaufman who said, “The Supreme Court’s only armor is the cloak of public trust; its sole ammunition, the collective hopes of our society.”

“Ulitin ko, it was Irving Kaufman who said, “The Supreme Court’s only armor is the cloak of public trust; its sole ammunition, the collective hopes of our society.”

“Hindi pwedeng hindi kumampi ang Supreme Court sa tinig ng bayan. Hindi pwede ‘yun. ‘Yung kanilang warning ‘yun kung madedelikado ‘yung mga judges nila. Tama ‘yun. Pero ‘yung sigaw ng bayan hindi pwedeng hindi kampihan ng Supreme Court ‘yun. Ano ang sigaw ng bayan? Hero si Dr. Lorraine Badoy. Hero si Ka Eric.”

“‘Yan ang sigaw ng bayan. Kaya ito, ang sinabi ni Irving Kaufman,  “The Supreme Court’s only armor is the cloak of public trust.”

“Eh kung wala nang public trust sa Supreme Court? Magiging Supreme Court pa ba ‘yan? The sovereignty resides in the people. In the people, ang tao ang mapapakinggan natin. ‘Pag nagrebolusyon ang lahat tayo at tayong lahat ay ibagsak natin ang komunista, may magagawa ba sila?”

Inihalintulad din ng butihing Pastor sa isang bulkan ang damdamin ng mga Pilipino na pagod na sa karahasan at panloloko ng CPP-NPA-NDF.

“Ngayon, ang tao parang bulkan ‘yan sa Pilipinas, hindi lang kumikibo pero kumukulo na ang loob kaya pagka mayroong mga spokesperson na katulad nina Eric, ako, at saka si Dr. Lorraine Badoy, makapagsalita na sila through social media kasi sa personal takot sila eh, baka balikan eh mag-isa lang man siya,” ayon sa butihing Pastor.

“Tulad ni Keith, tulad noong sundalo, tulad ng mga pamilyang pinagpapatay na walang kalaban-laban pero pagka ang magma ng galit ng tao tulad ng isang bulkang pumutok, walang sinuman ang makapagpigil niyan. Nakikita ko itong magma o public trust and support lalong tumindi sa Laban Kasama ang Bayan, sa SMNI, kay Dr. Lorraine Badoy, at kay Ka Eric at lahat ng mga nagtatanggol sa mga inapi at inalipusta.”

Dagdag pa ni Pastor Apollo, ang taumbayan pa rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa nasa awtoridad kabilang na ang nasa hudikatura.

“Sino ba ‘yang UP College of Law? Sino ba ‘yan IBP? Sino ba yan sila kung, sino ba itong korte ng judge na ‘to? Kung sisilakbo ang tao. Saan nanggaling ang inyong kapangyarihan? Sa mga tao.”

“Kahit ang mga politiko, saan galing ang kapangyarihan nila? Sa tao. Eh ngayon, sa usaping ito ng CPP-NPA-NDF, sino ang kumakampi sa ating Laban Kasama ang Bayan? Sino ang kumakampi? Laban Kasama ang Bayan against communists, CPP-NPA-NDF terrorist group, ang lahat ng tao sa buong Pilipinas.”

Sa huli, muling nanindigan ang butihing Pastor at ibinahaging, sa labang ito kontra CPP-NPA-NDF, nananalo na ang Pilipinas.

“Kaya hindi kami takot kahit sino pa kayo. Kahit sino pa kayo, hindi kami takot sa inyo. Kasi itong laban na ‘to, mayroong pisikal, nandiyan ang aking counterpart sa pisikal, sila Lorraine, sila Eric. Mayroong counterpart sa espirituwal, ako. Kaya nung presidente pa si Pangulong Digong, siya ang counterpart ko sa physical, ako ang backup niya sa espirituwal. Kaya nananalo ang Pilipinas,” dagdag ng butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Twitter