ISANG pagkilala ang ipinaabot kay Pastor Apollo C. Quiboloy, dahil sa kanyang pagiging makakalikasan.
Sa kanilang unang general assembly ay iginawad ng Brotherhood of Maharlikan Tigers kay Pastor Apollo ang “Outstanding Leadership Award” dahil sa kanyang matagumpay na reforestation program sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong Davao City.
Sa ngalan ng butihing Pastor ay tinanggap ng SMNI Reporter and Anchor Troy Gomez ang pagkilala na ginanap ngayong araw, Disyembre 19 sa Grand Ballroom ng Manila hotel sa lungsod ng Maynila.
Sa mahabang panahon, ay maituturing na champion sa kalikasan si Pastor Apollo.
Bukod sa malaking pagbabago na nagawa ng butihing Pastor para sa pagpapaganda ng Glory Mountain ay pinangunahan din niya ang pagsasagawa ng mga clean-up drive sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang kanyang matatag na leadership ay naipapakita rin sa bilis ng kanyang aksyon sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga apektado ng bagyo at pandemya.