Pastor Apollo C. Quiboloy, hinamon ng debate sa Kongreso ang mga makakaliwang kongresista

Pastor Apollo C. Quiboloy, hinamon ng debate sa Kongreso ang mga makakaliwang kongresista

NANANAWAGAN ngayon si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa liderato ng Kamara at Senado na hayaan siyang makadebate sa Kongreso ang mga makakaliwang kongresista.

Na-refer na sa House Committee on Basic Education and Culture at Higher Education ang House Resolution 253 laban sa SMNI na inihain ng makakaliwang kongresista.

Para kina Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro at Gabriela Congresswoman Arlene Brosas, red-tagging ang ginagawa ng network na pasisiwalat sa kanila bilang mga front ng CPP-NPA-NDF.

Bilang resbak, ipinakita ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang live Powerline program nitong Miyerkules ang larawan ng mga nag-recruit ng NPA.

“’Yan, truth tagging ba yan? Oh Brosas, Castro, Manuel. Yan ba ay red tagging? Red tagging ba yan? Sino ang nagrecruit sa mga taong yan. Yan ang ipi-presenta ko sa inyo para meron kayong partida sa debate natin. Yan ba ay na-recruit ninyo oh hindi? Yan ba’y namatay sa bundok o hindi? Yan ba’y naging NPA o hindi?,” ayon kay Pastor Apollo.

Debate naman ang hamon ni Pastor Apollo sa mga makakaliwang kongresista.

Nanawagan din si Pastor Apollo sa liderato ng Kongreso na makipagdebate ito sa plenaryo.

“Huwag ninyo kaming lolokohin, intimidate. Pagkatapos magha-house resolution. Kung gusto niyo magdebate tayo sa Senado o kaya sa Kongreso. Oh makinig lahat ng congressman. Ha? Gawin nating House Resolution. Ah Senator Zubiri, Senate President oh di kaya si Congressman Romualdez. Gumawa kayo ng House Resolution. I will debate with this three in Congress or in the Senate or at SMNI Studio in Makati. Pili kayo kahit saan,” ayon sa butihing Pastor.

Giit din ng butihing Pastor, ang mga makakaliwang kongresista ang unang naghamon sa pamamagitan ng House Resolution at hindi ito uurungan ni Pastor Apollo.

“Bibigyan ko kayo ng pagkakataong sumagot dahil gumawa kayo ha. You draw the first blood against Sonshine Media Network International. Ang nag-iisa dito sa bansang Pilipinas na hindi ninyo makakaya. Na hindi ninyo kayang maintimidate, na hindi ninyo pwedeng takutin. Magsasalita kami para sa mga human rights ng pinatay ng NPA na kasama niyo. Kami ang magsasalita. Subukan ninyo kami,” aniya pa.

Para naman kay House Speaker Martin Romualdez sa panayam ng SMNI, dadaan sa due process ang House Resolution ng natitirang miyembro ng Makabayan bloc.

“The House Resolution filed [by the Makabayan Bloc] will undergo the course of the process,” ani Romualdez.

“CPP-NPA-NDF will go down the drain. Babagsak kayo anuman ang gawin ninyo. Diyos ang kalaban niyo,” dagdag ng butihing Pastor.

 

Follow SMNI News on Twitter