HINDI na ikinagulat ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang pagkalas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa partidong Lakas-CMD.
“Well, this is our Vice President, she does not play footsie when she is involved in the nation’s business like being vice president and like our education secretary. That’s why we love her so very much, she doesn’t cling to any position, it’s just secondary to her but she’s very serious in what she does,” ayon kay Pastor Apollo.
Ito ang naging reaksiyon ni Pastor Apollo sa pagkalas ni VP Sara sa partidong Lakas-CMD nitong Biyernes.
Sa programang Powerline nitong Mayo 19, inhayag ni Pastor Apollo na isang matuwid na lingkod-bayan si VP Sara at alam niyang magagampanan pa rin ng bise presidente nang mabuti ang mga posisyong hawak nito sa pamahalaan kahit na wala siya sa political party.
Ito ay dahil mismong ang taumbayan ang partido niya.
‘’At ‘wag kayong liliko-liko pagdating sa ating vice president sapagkat matuwid po ang utak niyan, talagang matatamaan kayo, kaya as I said she doesn’t play footsie and that is what we like about her. Matuwid. Pag nakikita niyang naglalaro ang politika diyan, tabi kayo kailangan ako diretso. Kahit na siya ay wala nang political party, ang partido niya ang taong-bayan, at nandyan kami sa likod niya, nandyan tayong lahat sa likod ng ating vice president,’’ saad ng butihing Pastor.
Una nang pinayuhan ng butihing Pastor ang bise presidente na huwag magpatinag sa anumang nangyayari sa politika at gawin lang ang nararapat nang may kahusayan para sa interes ng mga Pilipino.
‘’The last time I talk to her I said, ‘wag kang magpatinag sa anumang bagay na nandyan sa politika, sapagkat powerplay dito, powerplay doon, wala yan. Positioning dito, positioning doon, blocking dito, blocking doon, basta ikaw gumagawa lang sa iyong trabaho bilang ating bise presidente at education secretary, gawin mo na with excellence and with seriousness tulad ng ginagawa mo, sabi ko nandyan kami sa likod mo. Hindi ka namin iiwan, we’ll take the bullet for you, basta’t ginagawa mo lang at ‘yan naman ang ginagawa niya kilala namin ‘yan. Kasi naging mayor ng Davao ‘yan,’’ ani Pastor Apollo.
Nagpaabot naman ng mensahe ng suporta si Pastor Apollo kay VP Sara.
‘’At as I said, you have to know her better, she doesn’t play footsie to anyone, she’s serious in her business whatever it is that she’s does for our nation as vice president, as education secretary, that is our talented, intelligent and beautiful Vice President at the same time Education Secretary Inday Sara Duterte. We love you and we will behind you always,’’ dagdag nito.
Matatandaang, sa isang pahayag ay inanunsiyo ni VP Sara ang kaniyang pagkalas sa nasabing political party, at sinabing mananatili ang kaniyang katapatan bilang lingkod-bayan kasama ang Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Nanawagan din si VP Sara sa lahat ng lider ng pamahalaan na magpokus sa trabahong dapat gawin na kanilang gawin.