Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ang espirituwal na pananaw vs CPP-NPA-NDF

Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ang espirituwal na pananaw vs CPP-NPA-NDF

NAGPAHAYAG ng kanyang espirituwal na pananaw ang butihing honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C Quiboloy vs Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon sa butihing Pastor, nalalapit na ang katapusan ng nasabing teroristang grupo.

“Nakita ko, ipinakita ng Ama sa akin. This is not just a physical battle. This is a spiritual battle,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Mga demon possessed ang lahat ng natamaan ng CPP-NPA-NDF.”

“Itong si Joma Sison is the personification of Satan Lucifer the Devil on earth in the Philippines.”

Ganito ang naging pagtalakay ni Pastor Apollo sa patuloy na pagkundena sa komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang programang Spotlight nitong Huwebes, muling inihayag ng butihing Pastor ang dahilan kung maituturing na isang terorista ang CPP-NPA-NDF.

Ani Pastor Apollo, sa kanyang pananalangin na matapos na ang pananalasa ng mga rebeldeng komunista, siya’y nakatanggap ng isang kapahayagan at sinabing maituturing na isang demonic spiritual invasion sa bansa ang CPP-NPA-NDF.

“Ako’y nanalangin na ito’y matapos na kasi ang may akda naman ng lahat ng kapangyarihan ay ang Panginoong Diyos. Ako’y nanalangin, talagang ito’y sineryoso ko. Kaya ipinahayag ng Ama sa’kin ito’y talagang it is a demonic invasion of our country. Mga demonyo talaga ang nasa sa loob nila. Sinapian talaga sila. Si Joma Sison, sinapian ng demonyo ‘yan. Ang lahat ng mahahawaan niya, ng kanyang doktrina, sasapian din ng demonyo. Kaya nakita niyo yung nagra-rally sa New York? Tingnan niyo, di ba yung nasasapian?…. Ipinakita sa akin,” ayon pa sa butihing Pastor.

“This is a demonic spiritual invasion of evil sa ating bansang Pilipinas na sinapian ang mga tao dito yung lahat ng mga connected sa communist movement, itong connected sa CPP-NPA-NDF? Puro may mga demonyo lahat ‘yan.”

Inihayag din ni Pastor Apollo na maituturing na isang divine intervention ang anoman o sinomang lumalaban sa CPP-NPA-NDF.

“Ang SMNI is a divine intervention….divine intervention yan. Hindi rin sila makapagsasalita ng ganyan kung walang lakas na nagmumula sa taas,” ayon kay Pastor Apollo.

“Duterte is a divine intervention…hindi na siya natatakot.”

Kaugnay rito, sa kanyang espirituwal na paglilingkod upang tapusin na ang CPP-NPA-NDF, ito ang naging pahayag ng butihing Pastor:

“Kaya kailangan ng national exorcism gagawin natin. I am exorcising nationally the demons that come from Joma Sison. And they are named CPP-NPA-NDF,” ani Pastor Apollo.

“Wala na kayong lakas pa, kaya kayong mga nasapian ni Joma Sison, ng masamang espiritu ng komunismo ng CPP-NPA-NDF, sumuko na po kayo, kasi ipinakita ng Diyos sa akin si Joma Sison nasa impyerno na at lahat ng sumusunod sa kanya. Maniwala kayo sa sinasabi ko. Nasa impyerno na siya… si Joma Sison hindi na magtatagal sa lupa ‘yan. Darating na ang panahon ng kanyang katapusan. At lahat ng dugo na pinatay, nasa kanyang kamay,” saad ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter