Pastor Apollo C. Quiboloy, kinuwestyon ang motibo ng Gabriela sa pagkontra sa pagpapatupad ng MROTC

Pastor Apollo C. Quiboloy, kinuwestyon ang motibo ng Gabriela sa pagkontra sa pagpapatupad ng MROTC

PINASARINGAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang grupong Gabriela dahil sa pakikisawsaw nito sa usapin ng Mandatory ROTC.

Kamakailan ay kinondena ng Gabriela Youth Davao Chapter ang panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon sa chairperson ng Gabriela Youth na si Sakura Aiko Nemis, malalagay na naman daw sa alanganin ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan lalo na ng mga kababaihan dahil sa mekanismong ang pundasyon ay sexism, misogyny, macho-pyudal at patriarchal governance.

Nanawagan din ito sa mga kabataan na pag-aralan ang kasaysayan at paglingkuran ang mamamayan.

Dahil dito ay pinasaringan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkontra ng Gabriela sa Mandatory ROTC at pagpapanggap ng mga ito na concern sa mga kababaihan.

‘’Tanungin mo yung mga former cadre kung sino ang mga nang-aabuso ng mga kababaihan. Binanggit mo ba yon Rep. Arlene Brosas? Na yung mga commander ninyo ang nagpapasa pasa sa recruit ninyo,’’ ayon kay Pastor Apollo.

‘’Sinong nag-aabuso sa IPs, sinong nagrerecruit sa IP para mamatay sa bundok at pag hindi sumapi pinapatay ninyo. Sino? NPA, hindi mo binabanggit yon,’’ paliwanag nito.

Ani Pastor Apollo, mismong mga dating kadre ng komunistang teroristang grupo ang nagpatotoo kung sino ang tunay na nang-aabuso sa mga kabataan at mga kababaihan.

’Yung sinabi mo ipukol mo lahat sa inyo kase sa inyo yon. Wag mo na kami pangaralan, yung hipocricy ninyo it’s all over na, expose na kayo,’’ saad ng butihing Pastor.

Sa kabilang banda ay binigyang-diin naman ni Pastor Apollo ang kahalagahan ng ROTC.

Aniya, ito ang pinakamagandang paraan upang matuto ang mga kabataan ng pagmamalasakit sa bansa at hindi na ma-recruit ng CPP-NPA-NDF.

‘’ROTC to show patriotism, walang masama sa ROTC patriotism, pagmamahal sa bansa ang tinuturo at GMRC makakatulong pa,’’ ani Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter