Pastor Apollo C. Quiboloy, magiging boses ng mga inaapi sa Senado—IP sector

Pastor Apollo C. Quiboloy, magiging boses ng mga inaapi sa Senado—IP sector

NANINIWALA ang Indigenous Peoples (IPs) sector na ang pagtakbo ng spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa nalalapit na midterm elections ngayong taon ay magbibigay boses sa mga inaapi, hindi lamang sa mga kapatid nating katutubo kundi sa mga maralitang Pilipino.

Patuloy na kinakaharap ng Pilipinas ang mga isyu kaugnay ng kakulangan ng hustisya sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Mula sa mga biktima ng kriminalidad, korapsiyon, at pang-aabuso ng kapangyarihan hanggang sa mga ordinaryong mamamayan.

Isa sa mga nakaranas ng kawalan ng hustisya ay ang ating mga kapatid na katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kabila anila kasi ng pagkakaroon ng mga batas na naglalayong protektahan ang kanilang karapatan, gaya ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) Law ay marami pa rin sa kanila ang nakaranas ng pang-aagaw ng lupa, diskriminasyon, at kawalan ng proteksiyon mula sa gobyerno.

Kung si Pastor Apollo C. Quiboloy na spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nga anila ay nakaranas ng political persecution mula sa administrasyong Marcos—paano na lang ang mga maralitang Pilipino.

Kaya, ito ang nais mawakasan ng ilang katutubong Pilipino ng Panay Bukidnon Ati Tribe at 16 Clan Blaan Tribe.

“Nakita natin ‘yung kawalan ng hustisya at ‘yung implement ng batas, nakikita rin natin ang mga kapulisan na wala na silang galang sa kanilang tungkulin na nakalagay sa kanilang chapa po diyan na to protect and to serve justice and honor,” ayon kay Chaplain Frederick Berry, Judge Minister, Panay Bukidnon Ati Tribe

“Napakalungkot po ngayon kasi kagaya sa amin hindi lang sa lugar namin actually Luzon, Visayas, Mindanao ito. Nakakalungkot kasi sa amin hindi natugunan ‘yung talagang hinaing namin at hindi kami nabigyan ng pansin.”

“Nakita ko na mahabang panahon hindi tayo titindig sa ating sarili o sa ating paa ay wala tayong boses,” wika ni Bai Fraidelyn Samal Dani, Chieftain, 16 Clan Blaan Tribe.

Kaya naniniwala ang mga kapatid nating katutubo na ang pagtakbo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Senado ay magiging daan upang magkaroon ng boses ang mga inaapi.

“Kaya ako ay buong puso na sumusuporta sa kanya at hinihikayat ko ang lahat ng mamamayang Pilipino lalo na sa hanay naming katutubo na mayroon tayong 215 na mga tribu na buong puso na susuporta sa kanya at even sa mga religious leaders. Nawa’y maintindihan natin na hindi lang tayo ang mawawalan ng hustisya kung hindi natin mailalagay para maging boses natin sa Senado si Pastor Apollo C. Quiboloy,” saad ni Chaplain Frederick Berry, Judge Minister, Panay Bukidnon Ati Tribe.

“Kaya, nakikita ko rito kay Pastor Apollo C. Quiboloy na malaki talaga ang kanyang hangarin sa kanyang community sa Davao City parang pangkalahatan na po ito. Kasi, nakikita ko po na marami na po siyang natutulungan at ‘yung adbokasiya niya ay para talaga sa pangkalahatan,” ayon kay Bai Fraidelyn Samal Dani, Chieftain, 16 Clan Blaan Tribe.

“Pagod na pagod na po kasi hindi lang po iilan, marami po ang inaapi at marami po ang inaapakan ang karapatan ngunit hindi po nabigyan ng justice. Kaya, panahon na po na bumangon tayo at tatayo sa ating paa at susuportahan dito sa mga tatakbong senador, si Pastor Quiboloy na upang mapalaganap talaga ang justice sa bansa,” ayon kay Bai Fraidelyn Samal Dani, Chieftain, 16 Clan Blaan Tribe.

Mga lider at miyembro ng PPP, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy

Katunayan, nagkaroon ng oath-taking ang mga lider at miyembro ng Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP) na siyang pinangunahan ni dating NTF-ELCAC Executive Director at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson at Senatorial Aspirant Allen Capuyan.

Nagpahayag ng suporta ang mga lider ng PPP mula sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region para suportahan ang ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ para sa kandidatura ng Butihing Pastor.

“’Yung agenda ni Pastor is actually building the nation. God’s righteousness in governance.”

“Mas namangha ako sa kanyang standard ‘yung God’s standard paano madisplina ‘yung bilang manggagawa, ‘yung pagsasaayos mo sa iyong responsibilidad.”

“Mayroon na siyang dinaanang God’s revelations to him na naisabuhay niya at alam niya na maayos niya ang bayan,” ayon kay Allen Capuyan, Former Executive Director, Ntf-Elcac & Senatorial Aspirant.

Ang pagkakaisa nga aniya ay isang mahalagang pundasyon para makamit ang kapayapaan, kaunlaran, at matibay na relasyon sa pagitan ng mga mamamayan.

Sabi ni Juliet Panergo, National President ng Philippine Indigenous Kids Citizen and Elderly Club Incorporated, hindi hadlang ang pagkakaiba ng relihiyon para suportahan si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Si Pastor Apollo Quiboloy ay alam natin na biktima lang siya, kaya ‘yung mga nag-aakusa sa kanya at napapatunayan naman niya na hindi walang katotohanan at isa ako sa naniniwala sa kanyang mission at advocacy kung paano niya i-aangat mga Pilipino dito sa sarili nating bansa,” wika ni Juliet Panergo, National President, Philippine Indigenous Kids Citizens & Elderly Club, Inc.

Una na ring ipinangako ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kung mabibigyan ito ng pagkakataon ng taumbayan na mailuklok sa Senado ay unang-una nitong wawakasan ang talamak na korapsiyon sa pagsusulong ng zero corruption sa bansa.

Kabilang din ang pagsugpo sa kriminalidad, ilegal na droga, kahirapan at pagkakaroon ng marami at sustainable na trabaho para sa mga Pilipino at pagwasak sa maling ideolohiya ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

“Isang malaking blessings ito sa bansang Pilipinas na mabigyan ang ating Butihing Pastor ng chance sa Senado. Sapagkat, mailalahad niya ang lahat ng programa kung ano ang ginawa niya sa kanyang congregation ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nakita naman natin ito na ‘yung resibo, ito na ‘yung ebidensya ng sa loob ng apat na dekada mula ng naitayo ang Bansang Kaharian, ito ay lumago at naging at na-cater ang lahat ng Pilipino hindi lang mga Pilipino maging sa ibang mga lahi sila ay na-cater, napabuti ang kanilang mga buhay. Una sa kanilang pananampalataya at sa kanilang personal na pamumuhay at ganon din ang gagawin ng ating Butihing Pastor once siya ay naupo na sa Senado.”

“Ang programa ng ating Butihing Pastor ay para sa lahat, lahat ng Pilipino at lahat ay makaka-benefit niyan. Kaya, salamat na nandito ang ating mga parallel group sila ay nanumpa ngayon para suportahan ang pagtakbo ng ating Pastor for Senator number 53 sa balota,” pahayag ni Alain Balmes, Campaign Manager of North & West NCR, Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter