Pastor Apollo C. Quiboloy, mariing tinututulan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte

Pastor Apollo C. Quiboloy, mariing tinututulan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte

MARIING tinututulan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kasalukuyang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil ito aniya ay minadali at hindi sumunod sa tamang proseso o ‘railroaded’.

“Hindi nila sinunod ang sarili nilang mga alituntunin. Makikita natin ito sa inilabas na mga puntos ni Atty. Torreon—may tatlong bagay silang hindi ginawa. Minadali nila ito, hindi ito napatunayan, at hindi ito dumaan sa Committee on Justice,” ani Pastor Quiboloy.

Dahil dito, naniniwala siyang dapat itong ibasura, sapagkat lumabag ito sa mga umiiral na batas at patakaran ng Kongreso. Maliban sa petisyon ni Atty. Torreon upang pigilan at ipawalang-bisa ang impeachment, naghain na rin ng hiwalay na certiorari petition si Vice President Duterte kasama ang kanyang mga abogado, kabilang sina Atty. Lucas Carpio, dating Pangulong Rodrigo Duterte, Atty. Philip Sigrid Fortun, at Atty. Shiela Sison.

“Malinaw na may firewall na laban sa impeachment na ito. Dahil sa mga paglabag sa proseso, hindi ito dapat ipagpatuloy,” pagtatapos ni Pastor Quiboloy.

Matatandaan na sa pamamagitan ng kanyang legal team ay nagsampa si Vice President Sara Duterte ng petition for certiorari and prohibition na kinukuwestiyon ang bisa at konstitusyunalidad ng ikaapat na impeachment complaint na ipinasa ng Kamara laban sa kanya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com

Media Contact:

Hannah Jane Sancho

Media Relations Officer

[email protected]

 

Follow SMNI NEWS on Twitter