Pastor Apollo C. Quiboloy, may babala sa mga durugista

Pastor Apollo C. Quiboloy, may babala sa mga durugista

MAY babala si Pastor Apollo C. Quiboloy, ng The Kingdom of Jesus Christ sa mga mapagsamantalang durugista.

Ayon kay Pastor Apollo, wag abusuhin ang kabaitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil tiyak mananagot pa rin ang mga ito sa batas.

“Yung nag-camping itong dalawa magkasintahan, pagkatapos pinasok sila nitong drug addict. ‘Yung boyfriend niya pinagsasaksak, pinatay. At siya ay ginahasa. Drug addict yan. Ganyan ang resulta ng illegal drugs,” ayon kay Pastor Apollo.

Isa lamang ito sa libu-libong krimen na may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga.

Kaya naman, may mensahe si Pastor Apollo sa mga mapagsamantalang durugista lalo na ngayong wala na sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kaugnay nito, nagbanta si Pastor Apollo na bagama’t mabait ang kasalukuyang Pangulong Marcos, ay hindi natutulog ang law enforcers at may batas na hahabol sa mga durugista.

“Kayong mga durugista, komo wala na si Pangulong Duterte dito’t napakabait ng ating Pangulong Bongbong Marcos, wag kayong kukumpiyansa sa kabaitan ng ating Pangulo sapagka’t may batas na ipatutupad siya. At ang mga kinatawan diyan, mga law enforcement natin hindi rin natutulog ‘yan,” ayon sa butihing Pastor.

Dagdag ni Pastor Apollo, kahit hindi kasing prangka o diretso magsalita ang Pangulong Marcos ay tiyak na may hahabol sa mga ito.

“Kahit hindi sila masyadong vocal tulad ng Pangulong Duterte, hindi masyadong vocal ang ating Pangulong BBM pero wag kayong kukumpiyansa sapagka’t may batas na ipatutupad siya na hahabol sa inyo ganun pa rin ang mangyayari,” ani Pastor Apollo.

“Kaya wag kayong mamayagpag na akala niyo mabait ang ating Pangulo ay walang batas na hahabol sa inyo. May hahabol na batas sa inyo. Ipatutupad ng ating Pangulong BBM ‘yan. Kahit hindi siya ganoong ka-vocal kay Pang. Duterte wag kayong kukumpiyansa, nagpasimula na naman kayo ah,” dagdag ng butihing Pastor.

Samantala, dalangin naman ni Pastor Apollo na gabayan at pagpalain ang pamahalaan, mga law enforcement agency at ang bansang Pilipinas.

“Manalangin tayo sa ating bayan, pagpalain ang ating bansang Pilipinas. Pagpalain ang ating pamahalaan, pagpalain ang ating Pangulo na siya ay gabay natin at ang lahat ng mga law enforcement agency, ipagpatuloy po ninyo ang pagbabantay sa ating pamayanan. Sapagka’t hindi na maaaring mangyari ang ganito na mga karahasan ng dahil sa walang humpay na mga kasamaang ito. Akala nila mahina ang ating mga namamahala,” ayon kay Pastor Apollo.

Naniniwala rin si Pastor Apollo na matindi ang puso ni Pangulong  Marcos para sa kapayapaan ng bansa dahil isa sa adbokasiya nito ay ang tourism kaya’t iingatan ng Pangulo ang peace and order.

 “Kahit hindi masyadong vocal ang ating Pangulong BBM, pero alam ko matindi ang kanyang puso para ang kapayapaan sa ating bansa ay manatili sapagka’t isa sa kanyang adbokasiya ang tourism. Ang tourism is a very one of the economic generator of our country. Papasok. Kaya iingatan talaga ng Pangulo ang ating peace and order,” ayon pa sa butihing Pastor.

BASAHIN: Pagpapaigting ng ugnayan ng national gov’t sa barangay level vs iligal na droga, nagustuhan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Follow SMNI News on Twitter