MULI na namang binanatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, partikular na ang mga nasa loob mismo ng pamahalaan.
“For 53 years, these snakes have infiltrated all areas of our society; they have infiltrated the church, religious organizations, media, private companies, especially agencies of government. Nandiyan na nga sa Senado, nandiyan na nga sa Kongreso, sa lahat ng mga sektor ng susyudad, nakagapang na ang mga ahas na ‘to,” pahayag ni Pastor Apollo.
Sa muling pagbabalik ng kanyang programang Give Us This Day nitong Huwebes, matapang na sinagot ng butihing Pastor ang iba’t ibang isyu kaugnay sa komunistang teroristang grupo.
Isa na nga rito ang isyung umano’y panghihimasok ng mga komunistang teroristang grupo sa government-owned station na PTV-4, kasunod ng balitang natanggap ni Pastor Apollo na mayroong kumausap mula sa nasabing istasyon kay Senador Loren Legarda kaugnay sa dokumento na CASER (Comprehensive Agrarian Socio-Economic Reform) ng CPP-NPA-NDF.
“Now, PTV-4, that’s why sometimes, I’m wondering, I’m listening to you sometimes, you are a government-owned station, state-owned station. Sometimes I listen to you, you sound like ABS-CBN, you sound like Rappler, to me. You are supposed to be the one to uphold the government, to defend the government against CPP-NPA-NDF, and against these communist infiltrators,” saad ni Pastor Apollo.
Buhat dito, ani Pastor Apollo, dapat manindigan ang government-owned media para sa interes ng mamamayang Pilipino laban sa mga kalaban ng estado.
“State-owned kayo, kayo dapat ang namamayagpag diyan sa pagtatanggol sa bayan, pagtatanggol sa ating Pangulo. Kayo, may budget kayo mula sa gobyerno, PTV-4 kayo,” ayon pa ng butihing Pastor.
“The people should hear from you na hard-lined kayo pagdating sa CPP-NPA-NDF. Infiltrated na ba kayo? Nagtatanong lang,” tanong aniya.
“Do not sleep with the enemy. Ang demand ng taong-bayan, pagka-PTV-4 kayo may budget kayo mula sa gobyerno, state-owned broadcast station kayo, you are the promoter, you have to promote what the government is doing. Dito nga napansin namin, malamya ang inyong promotion sa ginagawa ng ating mga pangulo, last ‘yung kay Pangulong Duterte, “Build, Build, Build.” Hindi ninyo naipakita, kung magpakita man kayo malamya, patumpik-tumpik,” ayon pa ni Pastor Apollo.
Binigyang-diin din muli ng butihing Pastor na ang kanyang broadcasting network na SMNI ay layuning isulong ang interes ng bansa na aniya’y dapat pangunahan nga ng gobyerno.
“Kami dito sa SMNI, love of nation and nation-building ang amin. Kayong dapat nasa gobyerno, kayo dapat ang nag-uuna niya, kayo ang dapat na nakikitaan ng pagtatanggol at pag-promote sa ating bansa, kung ano ang ginagawa ng ating mga pamunuan, kailangan kayo ang number one,” ayon ni Pastor Apollo.
Samantala, nanawagan naman si Pastor Apollo sa pamahalaan at sa mga nasa broadcasting industry na dapat malinis ang mga ito mula sa kamay ng CPP-NPA-NDF.
“Ganyan dapat, malinis ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, malinis ang lahat ng mga media. Kayong mga media, you were given this franchise as a privilege not as a right, it comes from the government, you should be helping in nation-building. Not one from GMA, from TV-5, did you interview one of the parents whose daughter or son was killed because they were radicalized, recruited front the UP, you did not invited even one, Ka Eric, Ka Marikit, sino pa riyan ang nakikita ninyo sa Laban Kasama ang Bayan so you can help in nation-building, so that you can help in exposing these snakes called the CPP-NPA-NDF, you did not do that,” ani Pastor Apollo.
Kaugnay rito, bukas ani Pastor Apollo ang SMNI upang isiwalat ang lahat +ng kumakampi sa mga komunistang terorista sa lahat ng sektor ng lipunan.
“This is my advice to all who have been infiltrated: church, religious organizations, all sectors of society, media, private companies, everyone of you, every agency in the government. If there are infiltrators there and I know that you are afraid because you are just one individual and you know them, I will open up SMNI to all of you,” ayon pa ng butihing Pastor.
“Give us the names of the CPP-NPA infiltrators and lovers in your area, in your companies, in your church, in your religious organizations, in your media corporations and you love the government, you love the country, you love the Philippines but your mouths are shut because you have been intimidated, you are afraid, they might get back at you. Give us the names of those infiltrators and we will expose them, I will expose them personally,” paghikayat ni Pastor Apollo.