MAY hamon sa Commission on Election (COMELEC) si Pastor Apollo C. Quiboloy matapos makipag-tandem sa Rappler.
Sa kanyang live TV program na Powerline ngayong araw, sinita ni Pastor Apollo ang Rappler’s COMELEC deal.
‘’Ba’t ninyo hindi pinaalam sa taumbayan kung kami ba’y sang-ayon o hindi? Because COMELEC you are the depository of our trust for our votes and we cannot trust Rappler and we cannot trust Maria Ressa. Because of the many foreign interest that she has. Alam naman ninyo kung sino siya di ba? Alam naman ninyo kung sino ang Rappler. Alam ninyo kung sino ang nasa likod ng Rappler. Alam ninyo this is the least trusted media,’’ ayon sa butihing Pastor.
May hamon din si Pastor Apollo sa poll body.
‘’Halimbawa kung kayo naglagay niyan, ilagay din niyo ang SMNI para hindi kayo maging bias. Oh? Huwag lang ang Rappler, ilagay ninyo ang SMNI para dalawa kami don. Para mabantayan din namin ang Rappler at mabantayan namin kayo. Kasi kredibilidad yung sa amin. Totoo itong sa amin. Hindi namin alam kung ano ang hocus-pocus ninyo riyan kasama ng Rappler, sapagkat ang Rappler napakarami ng interest nasa likod niyan. Foreign interest,’’ paliwanag ni Pastor Apollo.