Pastor Apollo C. Quiboloy, muling naipadama ang pagmamahal at malasakit sa mga katutubo na nasa T’boli, South Cotabato

Pastor Apollo C. Quiboloy, muling naipadama ang pagmamahal at malasakit sa mga katutubo na nasa T’boli, South Cotabato

KAHIT gaano pa kalayo, muling naipadama ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kanyang pagmamahal at malasakit sa ating mga kapatid na katutubo na nasa T’boli, South Cotabato.

Katuwang ang UniPhil, hatid nito ay di lamang ang truck ng daan- daang mga regalo na dala ng mga volunteer para sa mga residente ng IP community, kundi sumisimbolo din ito ng pag-asa at patuloy na pagkakaisa na di alintana ang layo o pagkakaiba.

Maliban sa mga benepisyaryo dumalo rin ang 25 IPMRs at 22 Tribal Chieftains mula sa iba’t ibang lugar sa South Cotabato.

Kabilang sa pamamahagi ng mga regalo naghandog naman ng mga Tribal Presentation ang mga kabataan at elders sa lugar.

Labis ang kasiyahan ng mga benepisyaryo na bagama’t wala man sa pagtitipon, inihayag ng lahat ng mga dumalo ang kanilang pasasalamat dahil damang-dama nila ang pag-ibig at pagmamalasakit ni Pastor Apollo di lamang sa kanilang komunidad kundi sa kanilang kultura.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter