Pastor Apollo C. Quiboloy, muling pinatamaan si Pacquiao sa ambisyong magpresidente

Pastor Apollo C. Quiboloy, muling pinatamaan si Pacquiao sa ambisyong magpresidente

MULING pinuna ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si Senator Manny Pacquiao sa posible nitong pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Kasunod ito ng pagtanggi ni Pacquiao sa hamon na marangal na debate ni Pastor Apollo at bantang sampahan ng kaso ang butihing Pastor dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news hinggil sa umano’y P3.5 bilyong proyekto ng senador sa Sarangani.

Sa kanyang live program na Give Us This Day kagabi, Setyembre a-sais, ibinunyag ni Pastor Apollo ang katotohanan sa likod ng kontrobersyal na Philippine Sports Training Center (PSTC) sa pamamagitan ng pananaliksik ni investigative journalist Manuel ‘Boy’ Mejorada.

Dagdag pa nito, ipinakita din ni Pastor Apollo ang balitang isinulat ni Bong Sarmiento ng Mindanews noong ika-5 ng Marso 2019 na kung saan pinasalamatan ni Pacquiao si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pag-apruba sa RA 11224 para sa pagtatayo ng PSTC sa Sarangani.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pastor Apollo na hindi karapat-dapat si Pacquiao na tawagin sa anumang propesyon maliban sa pagiging boksingero.

Matatandaan na kamakailan lang ay hinamon ni Pastor Apollo si Pacquiao ng debate para linawin ang ilang usapin partikular na ang ipinangangalandakan ng senador na hindi ito tiwali at sinungaling, na hindi aniya totoong Pastor si Pastor Apollo, at ang isyu ng korapsyon sa kontrobersyal na P3.5 bilyong pisong sports training center sa Sarangani.

Gayunman, tinanggihan ni Pacquiao ang naturang hamon at nagbanta pang magdemanda laban kay Pastor Apollo dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news na ngayon ay natuklasang ang senador pala mismo ang pinagmumulan ng naturang fake news.

 

SMNI NEWS