Pastor Apollo C. Quiboloy, nag-alay ng dalangin kaugnay ng COVID-19

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig sa buong mundo, isang panalangin ang inialay ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay Pastor Apollo, batid nito ang nararamdam ngayon na takot, pagpa-panic, at pagkabalisa ng lahat sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang pigilan ang patuloy na paglaganap ng naturang virus.

Batay sa tala ng World Health Organization, umabot nasa 114 na bansa sa buong mundo ang apektado ng COVID-19.

Sa ngayon, pumalo na sa 4,966 ang kabuuang bilang ng nasawi sa naturang sakit habang higit 135,000 na ang kaso nito sa buong mundo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.