Pastor Apollo C. Quiboloy, nagdala ng ngiti at pag-asa sa mga batang B’laan

Pastor Apollo C. Quiboloy, nagdala ng ngiti at pag-asa sa mga batang B’laan

NAGDALA ng ngiti, halakhak, at pag-asa sa mga batang B’laan ang pagbibigay ng mga regalo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Kitbog, Malungon, Sarangani Province noong Disyembre 25, 2024.

Hindi lamang ito tungkol sa simpleng pamamahagi ng mga regalo at pagkain—ito rin ay bahagi ng mas malaking layunin na mapabuti ang kanilang buhay.

Kabilang dito ang pagbibigay ng solar panels upang magdala ng liwanag sa kanilang mga tahanan, magpatakbo ng suplay ng tubig, paggawa ng mga kalsada, pagbibigay ng hanapbuhay, at pagpaplano ng paaralan para sa mga susunod na henerasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter