NASA puso na ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagiging matulungin sa kapwa.
Noon pa man, ang the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinamumunuan ng butihing Pastor ay nagpapaabot na ng tulong sa mga nangangailangan.
Tulad na lamang sa panahon ng mga kalamidad, kung saan nagpapaabot ang butihing Pastor ng tulong sa mga indibidwal na nasalanta o naapektuhan ng mga sakuna.
At kamakailan, naranasan ng mga taga lungsod ng Pasig ang pagiging matulungin ng butihing Pastor dahil sa libreng dental service na hatid niya sa mga taga St. Joseph Village.
Hindi bababa sa limampung indibidwal ang natulungan ng butihing Pastor na magkaroon ng magandang ngiti at malusog na ngipin.
Para sa mga naging benepisyaryo ng dental mission ni Pastor Apollo C. Quiboloy, malaking tulong anila ito sa kanila lalo’t wala silang kakayahan na pumunta sa mga dentista.
Katuwang naman sa pagsasakatuparan ng naturang misyon ay si Dr. Richard Bata.
Inaasahan na marami pang matutulungan si Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy lalo’t kung mabibigyan siya ng pagkakataong maihalal bilang senador sa darating na eleksyon sa Mayo.