Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng ayuda sa Panay-Bukidnon IP community ng Tapaz, Capiz

Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng ayuda sa Panay-Bukidnon IP community ng Tapaz, Capiz

NAKARATING kay Pastor Apollo Quiboloy ang mga hinagpis ng mga miyembro ng Indigenous People Panay-Bukidnon na magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa kanilang lugar na wala ang kaguluhang dulot ng CPP-NPA-NDF.

Agad na pinakilos ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang SMNI Foundation upang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Tapaz, Capiz at ipaabot ang ayuda para sa mga Panay-Bukidnon.

Hindi lubos maisip ng mga taga Tapaz, Capiz na kahit malayo si Pastor Apollo at hindi sila kilala ng personal ay napili sila upang mabigyan ng tulong mula sa butihing Pastor.

Isang balde na pinuno ng limang kilong bigas, condiments, asukal, de lata, noodles, pansit, kape at pandemic kits.

Maliban dito nakatanggap din ang bawat isa ng isang galon ng tubig at food packs na maiuuwi nila sa kanilang pamilya na naghihintay sa kanilang pag-uwi.

Tatlong daang pamilya ang tumanggap ng nasabing ayuda mula sa Panay Bukidnon.

Taos puso ang kanilang pasasalamat kay Pastor Apollo dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nila ngayon pa lang sila nakaranas na mabigyan ng sobra-sobra at umaapaw na ayuda na hindi galing sa gobyerno kundi sa Butihing Pastor.

Hindi nagtatapos diyan ang mga ayudang ipinagkaloob ng butihing Pastor, dahil maging ang lokal na pamahalaan ay tumanggap din ng ayuda mula kay Pastor Apollo.

Umabot sa 30 sakong bigas, at dose-dosenang karton ng kape, delata, at noodles ang tinanggap ng lokal na pamahalaan sa turn over ceremony na pinangunahan ni Tapaz Mayor Roberto ‘Nonong’ Palomar.

Samantala, ayon naman sa kapitan ng Barangay Lahug, Tapaz Capiz, hindi niya lubos maisip ang sinapit ni Corporal Frederick Villasis sa kamay ng NPA.

Nakarating kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang balita ng walang awang pagpaslang kay Corporal Frederick Villasis sa Tapaz, Capiz.

Kaya agad na pinapunta ni Pastor Apollo ang SMNI Foundation upang alamin ang sitwasyon ng pamilyang naulila.

Tumanggap ng P50,000 cash, dalawang sako ng bigas, karton ng mga delata at iba pang pagkain ang pamilya ni Corporal Villasis mula kay Pastor Apollo.

Hanggang ngayon masakit at hindi pa rin at hindi pa matanggap ng asawa ni Corporal Villasis na si Shella ang sinapit ng kaniyang asawa.

Hanggang ngayon hindi pa alam ni Shella anong gagawin ngayong wala na ang kaniyang asawa at mag-isang bubuhayin ang dalawang anak nito na parehong maliliit pa.

Nagpabot din ng pasasalamat si Shiela sa napakalaking tulong sa kaniya ni Pastor Apollo.

Malayo man o malapit, may pandemya man o wala hindi nagsasawa, hindi napapagod magbigay ng tulong si Pastor Apollo C. Quiboloy sa ating mga kababayan partikular na ngayon sa mga nabibiktima ng teroristang grupong NPA.

Sa pag-asang darating ang panahon na ang ating bansa ay magiging tunay na malaya na sa mga kamay ng mga teroristang CPP-NPA-NDF.

BASAHIN: Pangulong Rodrigo Duterte bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao

SMNI NEWS