NAMAHAGI si Pastor Apollo C. Quiboloy ng pamasko sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ilang araw bago angPasko.
Hindi pahuhuli dito si Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI at Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na mamahagi ngayong araw ng noche buena packs bago sumapit ang Pasko.
Pagmamahalan ng pamilya!
Wala nang mas sasaya at makabuluhan pa ngayong Pasko, kung di ang maipadama mo sa iyong kapwa ang tunay na diwa ng Pasko gaya ng pagmamahalan at pagbibigayan.
Ito ay bahagi na ng tradisyon nating mga Pilipino lalo na ngayong Kapaskuhan.
Alam ni Pastor Apollo na dahil marami sa mga manggagawa ng Bansang Kaharian ang hindi makakasama ang kanilang pamilya sa araw ng Pasko kaya naman sagot ni Pastor ang kanilang noche buena.
Isa si Josephine Llagas sa mga tumanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo.
Ang kaniyang anak na si Jenny Llagas ay isa sa mga fulltime worker ng Kingdom of Jesus Christ na naka base sa Amerika.
Labis ang galak at pasasalamat ni Josephine dahil muli aniyang bumalik ang kanyang pananampalataya sa Diyos dahil kay Pastor Apollo.
‘’Nagpapasalamat ako sa ating Ama dahil ginamit si Pastor Apollo Quiboloy na kami ay makakilala ng kaniyang mga salita at nagpapasalamat din ako sa aking natanggap ngayon Pastor Apollo C. Quiboloy muling nabuhay ang aking pananampalataya at salamat po sa inyo dahil nakatanggap ako ng blessing,’’ayon kay Josephine Llagas.
Maging si Myrna Gasapo Sebastian ay hindi rin maitago ang kaniyang pasasalamat sa pamasko na kaniyang natanggap.
Ang kaniyang kapatid na si Pedro Gasapo at pamilya nito ay matagal nang manggagawa sa Bansang Kaharian mula pa noong dekada ’90.
‘’Nagpapasalamat ako dahil ngayon lang ako nakatanggap ng gayon buo kasi nakakatanggap kami 3 kilos, 5 kilos, mga delata tatlo lang, mga dalawa (pero kay pastor po?) Halos hindi mabuhat nagpapasalamat ako kay Pastor Apollo Quiboloy, Merry Christmas po na sa pamamagitan ni Pastor Apollo Quiboloy naging mapayapa ang bawat isa pati na ang kaniyang mga anak,’’ayon naman kay Myrna Sebastian.
Si Narcisa Dionisio naman ay hindi inaasahan ang matatanggap na pamasko mula kay Pastor Apollo.
Si Narcisa ay tiyahin ni Jehu Ayang isa sa matagal na rin na manggagawa sa bansang kaharian at ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pioneering members ng magsimula ang Kingdom sa Davao City.
‘’Ang dami pala ang akala ko kung ano lang ang gift na ‘to sobra maraming maraming salamat iba talaga ang Jesus Christ ano pagka may gatherings na ganito maraming maraming salamat. Si Pastor naman wala akong masasabi sa kabutihan niya he is a good leader, powerful,’’ayon kay Narcisa Dionisio.
Maliban sa Cavite namahagi din si Pastor Apollo ng mga noche buena packs at sako sakong bigas sa Angono, Rizal.
Isa si Eduardo Ramos sa mga tumanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo sa ginanap na Christmas gift giving sa Angono, Rizal.
Si Eduardo ang nakatatandang kapatid ni Gemma Ramos na isa sa matatagal na manggagawa ng Kaharian na naka base ngayon sa Davao City.
Para kay Bryan Dantes kaanak ni Aaron Redullas itinuturing ng malaking tulong ang biyaya na natanggap mula kay Pastor Apollo.
Ang mga serye ng gift giving activities sa Mega Manila ay magpapatuloy hanggang Biyernes.
Ito ay bahagi ng pamaskong handog ni Pastor Apollo para sa mga kaanak ng mga manggagawa ng bansang kaharian.
Sa katunayan dalawang araw bago nanalasa ang bagyong Odette sa Visayas at Mindanao ay namahagi na ng gift packs si Pastor Apollo.