Daan-daang tulong ibinahagi ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sitio Sicao IP community sa Davao City

Daan-daang tulong ibinahagi ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sitio Sicao IP community sa Davao City

NAMAHAGI ng mga tulong sa mga residente ng Sitio Sicao, Tamayong, Davao City ang Indigenous Peoples Innovation & Yields for Assured Lives Foundation, Inc., Sonshine Philippines Movement at Children’s Joy Foundation International sa pamamagitan ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sitio Sicao, Tamayong, Davao City

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga residente sa naging matagumpay na pamamahagi ng iba’t ibang tulong ng SPM, IPIYAL at Children’s Joy Foundation sa Sitio Sicao.

Namigay ng iba’t ibang tulong ang mga nasabing organisasyon sa mga residente ng nasabing sitio.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga food packs, relief goods na may mga bigas, canned goods, noodles, anti COVID-19 kits tulad ng alcohol at facemask at iba pa.

Sitio Sicao, Tamayong, Davao City

Namigay din ang mga volunteers ng mga damit at galon galong tubig inumin sa mga residente.

Ayon kay Police Lieutenant Rizalito Clapiz III Cluster 5 leader ng revitalized pulis sa barangay ng Davao City Police Office, na malaking tulong para sa mga kapatiran nating miyembro ng indigenous groups dito sa Sitio Sicao ang mga ayudang ibinigay lalo pa’t malayo ang mga ito sa kabihasnan.

“Malaking tulong ‘to sa Indigenous Communities dito sa Sitio Sicao dahil yung lugar na ito is under sa Geographically Isolated Disadvantaged Areas. Which means ang mga basic services mahirap ideliver sa lugar na ito. So, yung mismong initiative ni Pastor na magpadala ng mga tulong dito sa mga tao is malaking tulong sa kanila sa kanilang pang-araw araw na hanap buhay,” pahayag ni Clapiz.

Naiyak naman sa tuwa si Jinky Mindan, isa sa mga benepisyaryo, dahil sa may bigas na silang maisasaing ngayong araw.

sitio Sicao

“Salamat dyud kaayo sa grasya nga gihatag ni Pastor Apollo Quiboloy. Dako gyud kaayo ni ug tabang sa amo karong adlawa [Salamat talaga sa grasya na ibinigay ni Pastor Apollo Quiboloy. Malaki talaga itong tulong sa amin ngayong araw],” ayon kay Mindan

“Wa jud. Wa jud miy bugas karon. Maong salamat kayo [Wala talaga. Wala talaga kaming bigas ngayon. Kaya, salamat talaga. Malaking tulong na talaga ito sa amin ngayong araw],” aniya pa.

“Dako gyud kay ko ug pasalamat karon kay kining adlawa jud wala, wala jud mi tanan. So grasya na jud kaayo ni. Dako na gyud kaayo ning tabang sa amo karong adlawa [Malaki talaga ang aking pasasalamat ngayon dahil walang wala talaga kami ngayong araw kaya napakalaking grasya talaga nito],” dagdag ni Mindan.

Samantala, masaya rin ang mga kabataan sa mga pagkain na kanilang natanggap mula sa SPM.

sitio Sicao

“Salamat Pastor, nakadawat nami ug pagkaon [Salamat Pastor sa mga natanggap naming pagkain],” pasasalamat ni Charles Almosa, isa sa mga batang nakatanggap ng tulong.

 

tulong sa Sitio Sicao

Malaki din ang pasasalamat ng mga residente dahil sa kabila ng layo ng kanilang lugar at mahirap at lubak-lubak na daan tungo dito, ay nakaabot pa rin ang mga tulong na ipinadala ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement, Indigenous Peoples Innovation & Yields for Assured Lives Foundation, Inc. at Children’s Joy Foundation International.

“Pastor, salamat di ay kaayo kay nadawat na gyud namo ang imong hinabang sa amoa. Nalipay tanan ang mga tao diri sa imong isip tabang sa amoa [Pastor, maraming salamat sa mga natanggap naming tulong mula sa iyo. Nasiyahan ang lahat ng mga tao dito sa mga tulong mula sa iyo],” ayon kay Nelson Lacia, isa sa mga benepisyaryo.

Para kay Pastor Apollo, walang distansya o layo na makakahadlang sa pagpapaabot ng mga tulong nito lalong lalo na sa mga kapatirang IPs.

SMNI NEWS