Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagan ng transparency kay NSA Carlos

Pastor Apollo C. Quiboloy, nanawagan ng transparency kay NSA Carlos

PINATUTSADAHAN din ni SMNI Honorary Chairman, Pastor Apollo C. Quiboloy si National Security Adviser Secretary (NSA) Clarita Carlos sa kanyang mga aksyon kaugnay sa NTF-ELCAC.

 “Bakit ayaw nya makipag-usap sa mga kinatawan ng gobyerno tulad natin na kami sa gobyerno? Bakit ang kinakausap nya kung totoo man ay ‘yung mga nasa hanay ng CPP-NPA-NDF at ano ‘yung pakay nya sa trip nya sa Europe? Ba’t hindi sya transparent bilang National Security Adviser? Bakit hindi nya sabihin sa taumbayan kung ano talagang pakay nya? Bakit sya nakikipagkuntyabahan sa mga nasa hanay ng kalaban ng gobyerno? Ano ba sya talaga? Sa gobyerno ba sya o hindi?” ayon kay Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, dapat ay maging transparent si NSA Carlos sa kanyang mga aksyon dahil karapatan itong malaman ng taumbayan.

“Maging transparent ka para sa bayan kase nasa gobyerno ka eh. Patotohanan mong kampi ka sa gobyerno, makipag-usap ka sa tanong namin ni Ka Eric, Dr. Lorraine, Franco sa Laban Kasama ang Bayan,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Sabihin mo ang lahat ng ginagawa mo, kundi that’s conflict of interest at dapat wala ka riyan sa posisyon na yan pag kami’y tinatraydor mo. Kung di ka magsasalita at magpapahayag ng tunay mong pakay kung ikaw ay nakikipagsabwatan ba o hindi sa mga kinatawan ng CPP-NPA-NDF at sa kanilang malalaking pinuno, that’s treason,” saad pa ni Pastor Apollo.

Muli namang nangako ang butihing Pastor na hindi ito titigil hangga’t hindi nasosolusyunan ang problema sa CPP-NPA NDF at sa mga bagay na may kaugnayan dito.

“Walang atrasan ito, kala nyo aatras kami sa inyo kahit na kayo’y nandidyan, nandidito din kami, hindi kami hihinto hanggang hindi natatapos ang problemang itong CPP-NPA NDF. Hindi namin kayo tatantanan,” saad ng butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Twitter