Pastor Apollo C. Quiboloy, pabor na ibalik ang 1935 Constitution

Pastor Apollo C. Quiboloy, pabor na ibalik ang 1935 Constitution

SUPORTADO ni Pastor Apollo C Quiboloy na ibalik ang 1935 Constitution sa Pilipinas.

Ito’y matapos irekomenda ni Chief Presidential Adviser Juan Ponce Enrile na ibalik ang bansa sa 1935 Constitution dahil aniya, ginawang komplikado ng kasalukuyang charter ang probisyon mula sa 1935 at 1973 constitutions.

Matantandaan, itinatag ang 1935 Constitution habang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumuno ng Amerikano habang itinatag naman ang 1973 Constitution kasunod ng deklarasyon ng Martial Law.

“Ang argumento ni Senator Juan Ponce Enrile na Chief Presidential Adviser ng Pangulo ay ibalik ang 1935 constitution, payag ako dun. Inulit kase yan para i-tailor made para kay Cory Aquino at mga komunista. ‘Yan ay kampi sa makakaliwa na detrimental sa atin,” pahayag ni Pastor Apollo.

Kaugnay nito ay muling iginiit ni Pastor Apollo na dahil sa Martial Law ay nailigtas ang ating bansa mula sa komunismo.

“Pag ka may imminent danger to protect and save the country from those who wants to topple it ,kailangan merong power ang pangulo na magdeclare ng martial law,” ayon kay Pastor Apollo.

“Kung hindi nag-declare ng martial law si Pres. Marcos, nanganganib na ang Pilipinas na babagsak sa kamay ng komunista ay komunista na tayo ngayon, ginamit lang si Marcos,” pahayag ni Pastor Apollo.

Samantala, pabor din ang butihing Pastor sa panukala ni Enrile na dagdagan ang mga senador sa bansa dahil sa lumalaking populasyon.

Sa ngayon, ang senado ay binubuo ng 24 senador.

“Ngayon lumolobo ang populasyon ng ating bansa, kailangan dumami na, hindi lang siguro 48 kundi gawin nating 58 siguro para well represented ang ating bansa. Wala pa tayong mga Muslim na senador, kailangan may representation and Muslim, kailangan may IPs na senador dapat magkaroon tayo ng mga senador na IPs kahit dalawa lang. Kahit sa population ng Moro citizens kailangan  meron kahit 2 o tatlo. Malaki na tapos walang tamang representasyon,” ayon pa ng butihing Pastor.

Samantala, pinuri naman ng butihing Pastor ang kahusayan ni Chief Pres. Adviser Enrile sa mga panukala nito.

Aniya, hindi nagkamali ang Pangulo sa pagpili nito kay Enrile bilang Legal Adviser.

“Lahat ng panukala ni ‘immortal’ talagang very sensible lahat, talagang tamang tama, kung sa target talagang bulls eye na bulls eye ang sinasabi nya tama lahat yon, kaya dapat yun gawin,” ayon kay Pastor Apollo.

“Hindi nagkamali si PBBM na kinuha syang Chief Presidential Adviser, patuloy po kayo Mang Johny ang buong Pilipinas ay sumasaludo sa inyo, kudos sayo Manong Johny the immortal,” dagdag pa ni Pastor Apollo.

 

Follow SMNI News on Twitter