SANG-AYON si Pastor Apollo C. Quiboloy na imbestigahan ang nangyaring technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y matapos sabihin ng dating kadre na si Jeffrey Ka Eric Celiz na posibleng may kinalaman ang mga operatiba ng Communist Party of the Phiippines-New People’s Army-National Democratic Front sa airport system glitches.
Ani Pastor Apollo, maganda na maimbestigahan ang mga ahensya ng pamahalaan na may taya rito, at posibleng isang pagsabotahe ang naganap.
‘’Baka sila nga ang may dahilan nito. Pagka pumipiyok itong mga partylist na ‘to ng CPP-NPA, itong ACT na ito, pagka ‘yan ay nagbibigay ng mga comment na ganyan, 99.9% sila ang may gawa niyan. Baka meron silang mga operatiba diyan sa airport na ‘yan. Yung 282 flights canceled, diverted, or delayed. At saka itong concerned agencies na ito kailangan na imbestigahin ito eh, baka merong mga sabotahe diyan na nangyayari sa airport system natin. Baka may mga galamay ang mga CPP-NPA-NDF diyan kasi napasukan na ang lahat ng sektor ng ating sosyedad eh. Kaya sinasabotahe ‘yan, ganyan, ganyan sila gumawa,’’ ayon kay Pastor Apollo.
Matatandaang ilang pananabotahe na ang ginawa ng CPP-NPA-NDF sa pamahalaan.
Isa na rito ang ipinukol na Plaza Miranda bombing noon sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
‘’Kaya kailangan merong imbestigasyon diyan baka may operatiba ang CPP-NPA-NDF diyan. Pagka pumiyok ang isa sa kanila, tingnan mo ito, bakit sya nagsalita. Eh ‘yan ang kanilang style, silang gagawa tapos ibabato sa iyo. ‘yung Plaza Miranda bombing, kanino ipinukol? Kay Pangulong Ferdinand E. Marcos, pero sila ‘yung gumawa, ganyan ang style nila. ‘yung pagpatay kay Datu Diarog, sa atin ipinukol pero sila ang gumawa,’’ saad ng butihing Pastor.
Samantala, inalala naman ni Pastor Apollo kung paanong nasugpo ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga anomalya sa paliparan at isa na rito ang laglag-bala.
‘’Panahon ba ni Pangulong Duterte meron bang ganyan? Wala, kasi alam nila, uupakan talaga sila ni Pangulong Duterte noon eh. Oo, tingnan niyo ang laglag-bala, panahon noon, di ba nawala. O ngayon akala nila malambot ang ating Pangulong Marcos, pag nagalit ‘yan uupakan din kayo niyan,’’ paliwanag ni Pastor Apollo.