Pastor Apollo C. Quiboloy, patuloy na nananawagan sa CPP-NPA-NDF na sumuko na

Pastor Apollo C. Quiboloy, patuloy na nananawagan sa CPP-NPA-NDF na sumuko na

IKINATUWA ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mahigit isandaang miyembro ng Zone One Tondo Organization (ZOTO).

Ang ZOTO ay isang organisasyon na sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) Manila na mayroong 17 chapters at mahigit 7k miyembro.

Ani Pastor Apollo, ang katagumpayang ito ay bunga ng walang takot na pagsisiwalat ng katotohanan tungkol sa komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.

“‘Yan ang resulta ng ating pamamahayag na walang takot para sa katotohanan, para sa pamayanan. Walang takot kaya kung anuman man ang mga chapter-chapter na kanilang mga nalinlang, ma-deliver na kayo sa kamay ng mga ahas na ito,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Muli namang binigyang-diin ni Pastor Apollo na walang katuturan at wala namang pupuntahan ang matagal nang ipinaglalaban ng makakaliwang grupo. Kaya naman, hinihikayat ng butihing Pastor ang lahat ng rebeldeng komunista na magsisuko na at makiisa sa pamahalaan.

“Yung panawagan ko sa lahat ng nasa bundok pa magsisuko na kayo. Wala nang katuturan, wala nang kapupuntahan, magkaisa na tayo, iwanan nyo na yan, naku, wala kayong mapapala diyan. Biro mo, 48 years nagtiis ka, wala ka namang napala, binuwis mo ang buhay mo for 48 years para lang sa ambisyon ng isang taong makademonyo na papatay nang walang awa, lalasunin kahit sino para lang matupad ang ambisyon niya, siya ay maging pinuno dito at maging supremo,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Makakamit ng ating bansa ang tunay na pagkakaisa kung magsisuko at mamumuhay nang mapayapa ang mga teroristang grupo.

“Magsama-sama na tayo, mamuhay nang mapayapa, mamuhay na sumusuporta sa ating pamahalaan at sa ating bayan at tayo ay magkakaisa para matupad na ‘yung sinasabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Uniteam, unity,” ani pa ni Pastor Apollo.

 

Follow SMNI News on Twitter