WALANG diskriminasyon sa pagtulong ang spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa kabila ng mga paninirang-puri at matinding persekusyong nararanasan niya, hindi ito nagiging hadlang kay Pastor Apollo upang patuloy na tumulong sa mga nangangailangan, lalo na sa larangan ng edukasyon mula noon hanggang ngayon.
Kapanalig man o hindi, nagbibigay sya ng libreng edukasyon mula sa pre-school hanggang kolehiyo at maging sa graduate studies sa pamamagitan ng KoJC at ng iba’t ibang humanitarian organizations.
Isang malaking halimbawa dito ay ang iba’t ibang scholarship programs ng Jose Maria College Foundation, Inc., para sa mga kabataang kapos sa oportunidad dahil sa karukhaan.
Scholarship Programs ng JMCFI:
SY 2023-2024
Gift of Education
Sports / Varsity
Academic College
Student Assistant
Academic (IBED)
Sa loob ng dalawang dekada mula nang maipatayo ang JMCFI noong 2003, tinatayang umaabot na sa mahigit kumulang animnapung libo ang nakabenepisyo sa libreng edukasyon ng institusyong ito.
Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga Gift of Education scholars ni Pastor Apollo at mga sinusuportahan sa pag-aaral ng KOJC sa iba’t ibang Kingdom Light Congregations sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang mga bansa.
Mula noong 2003, si Flordelito Cagampang ay naging basketball coach ng JMC Kings, isa sa mga kilala at nangungunang koponan sa mga unibersidad.
Saksi siya sa pagiging hands-on ni Pastor Apollo sa kanyang mga manlalaro, na sinisiguro niyang napapaaral upang maging mahuhusay na propesyonal at makaahon sa kahirapan balang araw.
‘’Syempre matagal na kaming magkakilala ni Pastor kasi player din si Pastor. Lagi kaming nag-uusap tsaka ang pagkakilala ko kay Pastor, napaka bait na tao. Hindi man kami pagkapareha ng religion, isa rin akong catholic. Lagi niyang sinasabi sa akin na, coach, kamusta yung mga player natin? Huwag mong pabayaan sila coach na kailangan nilang mag-aral para makatapos, maka graduate sila sa college at tsaka I-guide mo coach,” ayon kay Flordelito Cagampang Basketball coach, JMC Kings.
Kaya naman, masakit para sa mga nakakakilala kay Pastor Apollo na makita ang walang tigil na panggigipit at mga alegasyon na ibinabato laban sa butihing Pastor.
‘’Willing ako na iaalay ko ang buhay ko para kay Pastor kasi binigay niya sa akin ang lahat lalong-lalo na ang unang-una ang kaligtasan ng kaluluwa, ang dream ko na maging isang basketball player, at ang lahat ng pangangailangan ko prinovide in Pastor kaya ganun kami sayo Pastor. Hindi lang ako Pastor kundi maging ang mga scholar o kahit na yung mga varsity na taga labas o mga coaches Pastor. Nagpapahiwatig sila ng suporta sa iyo Pastor na balang araw, muli makakasama ka namin na maglaro muli Pastor,’’ saad ni Stevedon dela Rosa dating JMC Kings Varsity.
‘’Pastor, alam kong binigay sa iyo yan ng Panginoon. Kayang-kaya mo yan Pastor kasi alam ko ibang klase ang pagkatao mo kaya malalampasana din natin ang lahat ng pagsubok. Ingat ka lagi Pastor,’’ ani Cagampang.
Ang pamilya ni Noelan de Gracia isa din sa mga nagtatanggol kay Pastor Apollo.
Dating pulis sa Lanao del Norte ang kanilang ina, nang pumanaw ito, si Pastor Apollo na ang tumayong magulang ng magkakapatid.
‘’Alam nyo po ba mga kapatid nung time na nawala na si mama ko po mga kapatid dun ko nakita talaga mga kapatid, na open na yung pag-iisip ko na “Wow, ito pala si Pastor” si Pastor pala talaga mga kapatid, ang naging magulang po namin talaga dito sa bansang kaharian mga kapatid,’’ ayon kay Noelan de Gracia KOJC Missionary, USA.
Inaruga, binihisan at pinag-aral hanggang nagsipagtapos ng kolehiyo.
Ngayon, malayang nakakapunta si Noelan sa iba’t ibang estado ng Amerika upang ibahagi ang mga Salita ng Diyos sa kanyang kapwa kabataan bitbit ang kanyang mga natutunan kay Pastor Apollo bilang misyonaryo ng KOJC.
Ang sagot niya sa mga alegasyon ng umano’y pang-aabuso sa KoJC?
‘’Inabuso kami sa pagmamahal ni Pastor, inabuso kami sa lahat ng kailangan namin mga kapatid talagang provided pangarap lang namin magkaroon ng ganitong buhay mga kapatid kung siguro kung hindi lang dahil kay Pastor ewan ko kung saan po kami ngayon mga kapatid hindi kami inabuso dito walang abusong nangyayari dito sa bansang kaharian,’’ saad ni Noelan de Gracia.
Ang Social Worker na si Rondet Roncesvalles na dati ring ACQ Scholar ay may sagot din sa mga maruruming paratang laban kay Pastor Apollo.
‘’At kung magbigay sya, abundance talaga, walang reservations. Father figure talaga siya sa mga batang inaalagaan at minamahal niya. Yung pagmamahal niya is like a father to his children. Sa mga accusation, I can really stand na hindi yun totoo. Makakatayo talaga ako na kahit saan nila ako dalhin, makakatayo ako at kaya kong idefend si Pastor dahil kilala ko si Pastor unlike sa mga nag-aakusa sa kanya na nakasama lang siya sa madaling panahon,’’ ayon kay Rondet Roncesvalles Social Worker, JMCFI Faculty Staff.
Bilang miyembro ng JMCFI faculty sa Social Work Department, saksi din siya kung paano tumulong si Pastor Apollo maging sa mga umuusig sa kanya.
‘’Like dito sa JMCFI ngayon, maraming mga scholars na hindi (KOJC) members, mga academic scholars, mga student assistants, hindi yan kilala ni Pastor. May mga Muslims, pinag-aaral yan dito ni Pastor for free kasi nga ang ano ni Pastor ay for education talaga. But there’s no strings attached sa pagtulong niya sa mga student dito. As long as makita niya na makatapos, masaya na siya doon. Kasi nga kapag makatapos, makakatulong na rin yun sa mga pamilya nila,’’ ani Rondet Roncesvalles.
Ibinahagi naman ni Dr. Raymond Libongcogon na kaya pumasok ang kanyang pamilya sa Full-Time Ministry sa KOJC ay dahil nakita nila ang laki ng pinagbago ng kanilang ama na dati ay lulong sa ipinagbabawal na gamot dahil sa mga pangangaral ni Pastor Apollo.
‘’Bilang medical doctor at educational instructor, saksi din siya kung paano bigyan ng halaga ni Pastor Apollo ang kapakanan ng bawat miyembro at misyonaryo ng KOJC,’’ ayon kay Dr. Raymond Libongcogon JMCFI College of Medicine. If human trafficking lang, bakit papaaralin—kung may human trafficking lang, bakit magpapa-aral for different courses? May pinapa-aral si Pastor sa Medicine. Imagine, ako, hindi ako scholar ni Pastor before, so I know how much ang gastos. You will need millions just to finish Medicine. If other programs like mga Nursing, Law, and other. So, maraming scholar si Pastor. And, if yun lang? Bakit pa gagastos si Pastor for that? Bakit gagastos ang ministry if there’s human trafficking? What we are doing here is actually to develop people so that they would become the best, they will become assets of the Kingdom and of course, our nation,’’ saad ni Dr. Raymond Libongcogon.
Sa ngayon, kasalukuyang sinusuportahan din ni Pastor Apollo si Dr. Libongcogon sa pagkuha ng kanyang Master’s degree sa Health Science Education.
Para kasi kay Pastor Apollo, tanging sa pamamagitan ng edukasyon nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan upang makapag-ambag sa pag-unlad at progreso sa komunidad at bayan.
Ito din ang kanyang ambag para sa Pilipinas bilang isang Pilipino.
Ito rin ang kanyang ambag para sa Pilipinas bilang isang Pilipino. Kaya naman, sa kabila ng mga persekusyon, nananatili siyang matatag at hindi titigil sa pagtulong hangga’t makakaya niya, kahit na siya ay nasa mahirap na sitwasyon ngayon. Dahil aniya, walang batas na nagbabawal sa pagtulong.