Pastor Apollo C. Quiboloy, pinatutsadahan ang LGBTQ+ group na Bahaghari

Pastor Apollo C. Quiboloy, pinatutsadahan ang LGBTQ+ group na Bahaghari

PINATUTSADAHAN ng Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang LGBTQ+group na Bahaghari dahil sa pahayag nito laban sa SMNI.

Sa live program ng SpotLight nitong Miyerkules, sinagot ng butihing Pastor ang pahayag ng chairperson ng Bahaghari laban sa SMNI hinggil sa isyu ng red-tagging.

Sa isang panayam, sinabi ng kanilang chairperson na si Reyna Valmores na dapat may gawin ang Brodkaster ng Pilipinas sa SMNI kaugnay sa standard ng pamamahayag.

Samantala, ibinulgar naman ng dating kadre na si Jeffrey Ka Eric Celiz na ang Bahaghari ay isang front organization ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Kaugnay nito, hinamon ng butihing Pastor ang chairperson ng Bahaghari na sagutin ang pahayag ni Ka Erik at patotohanan na hindi sila pronte ng komunistang teroristang grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter