Pastor Apollo C. Quiboloy, positibong magagampanan ni VP Inday Sara Duterte ang kanyang panibagong posisyon sa bansa

Pastor Apollo C. Quiboloy, positibong magagampanan ni VP Inday Sara Duterte ang kanyang panibagong posisyon sa bansa

PERSONAL na dumalo sa inagurasyon ni Bise Presidente Inday Sara Duterte si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Honorary Chairman ng SMNI.

Ayon kay Pastor Apollo, positibo siya na magagampanang mabuti ni VP Inday Sara Duterte ang kanyang panibagong posisyon sa bansa.

Tiwala rin ang butihing Pastor na magagawa nito ang kanyang mga ipinangako sa taong bayan.

Ikinagagalak at ipinagmamalaki rin ni Pastor Apollo na mula sa Mindanao ang uupo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Nangako rin si Pastor Apollo na kanyang sususportahan ang anumang adhikain ng dating alkalde ng Davao para sa taong bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter