Pastor Apollo C. Quiboloy sa California Wildfire: Hatol ‘yan ng Dakilang Ama

Pastor Apollo C. Quiboloy sa California Wildfire: Hatol ‘yan ng Dakilang Ama

GANITO ngayon ang eksena sa Hollywood California: ang simbolo ng katanyagan at karangyaan ay nilalamon ng apoy.

Kung dati sa Hollywood movies lamang napapanood ang ganitong mga tagpo, ngayon ay ito na mismo ang nasusunog.

Ang mala-impiyernong kaganapan sa Amerika ay naging tampok na sa pangangaral ni Pastor Apollo C. Quiboloy noon pang 2023.

Nang makatanggap siya ng kapahayagan mula sa Dakilang Ama na nasusunog ang US.

“January was recorded, no? January 20, 2022, I had a revelation where I told you all I saw, America was burning,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Spiritual Leader, Kingdom of Jesus Christ.

Sa isang written statement na pinublish sa SMNI News, sinabi ng Butihing Pastor na nangyayari sa Amerika ang kaniyang kapahayagan ilang taon na ang nakararaan.

Ito aniya ay tanda ng kaparusahan ng Dakilang Maylikha matapos ang pang-aalipustang ginagawa ng US Government sa gawain ng KOJC sa Amerika.

Saad ni Pastor Apollo, pinagpala ang Amerika sa 28 taon niyang pabalik-balik doon para mangaral ng Salita ng Diyos sa mga tao.

Ngunit mula nang gipitin at atakehin ang mga bahay sambahan ng KOJC noong 2018 hanggang ngayon, hindi na natigil ang sumpa sa Amerika.

“Ito exactly ang nakita ninyo riyan, pulang-pula na iyan. Pulang-pula na sunog na malawakan, ‘yan ang nakita ko sa aking dream revelation. Kaya sabi ko, magbabayad sila. Ito ang kabayaran. Ngayon, umiyak sila. ‘Yung pag-iyak natin, ang kasamaan ng loob natin, ang surprise na ginawa sa akin, ganoon din ang surprise na nangyari sa kanila ngayon —iyan ay kabayaran. May karma eh. Touch not mine anointed—do my prophets no harm,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Kinondena rin ng Butihing Pastor ang pagiging one-sided ng FBI na naniwala agad sa mga paratang ng isang pamilyang naninira ngayon sa kaniya sa Amerika.

Ang pamilyang ito ay dating malapit sa Butihing Pastor.

Pinag-aral para maging abogado ang mga anak, inaruga at kinupkop at binigyan ng disenteng buhay ng KOJC.

Kasama sa dissidents ang isang Nepalese national na siyang pasimuno ng paninira sa KOJC at kay Pastor Apollo sa US.

Nang ipapa-audit na sana ang mga ito dahil sa isyu ng korapsiyon, lumabas sila sa KOJC at dumulog sa FBI para pagtakpan ang kanilang mga anomalya.

Ang FBI naman ani Pastor Apollo na matindi ang inggit sa kaniyang gawain sa Amerika ay pinatulan agad ang mga paratang kaya nangyari ang 2018 attacks sa KOJC sa US.

“Kung meron kayong dapat palayasin diyan, ang nagdadala ng karma, ang pamilya na sumira sa utak ng mga Amerikano. Pinoison nila ang utak ng mga Americano, sinira nila ang reputation ng Kingdom—they put the Kingdom in a very bad light. Pagkatapos siniraan, pinaniwalaan naman ng Amerikano without consulting us in the Kingdom—without giving us a chance to explain, kaagad-agad, ginawa akong FBI Most Wanted,” dagdag ni Pastor Apollo.

Para naman kay dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kuwestiyunable ang bagal ng justice process sa Butihing Pastor.

“‘Yung demanda kay Pastor, limang taon na ‘yan. Limang taon na pero palagi nilang pino-postpone ang paglilitis sa kaniya. Ang pamamaraan ng pagdi-delay sa isang kaso ay pagpapahiwatig kaya mo dini-delay ‘yan dahil wala kang ebidensya kaya pinapanatili nilang may warrant of arrest siya, kasi ‘pag tinuloy nila ay makikita na walang kasalanan si Pastor Apollo C. Quiboloy,” wika ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Naniniwala rin nito na inggit ang mga Kano sa KOJC at kay Pastor Apollo.

Lalo’t binabago nito ang buhay ng libu-libong White, Black, Latin, Asian Americans, at iba pa gamit ang mga Salita ng Diyos.

“When I go to your nation, I go there to bless you. Not to curse you but to bless you. You know when I go to a concert, three times a year in US? It spends so much. We hired like hundred ten vans to get those people who wanted to come into my concert crusade venue. So that they will not use their car in gasoline, so we get them. Bring them to the venue, get them to listen to the Word of God and be blessed. And then after that, have a banquet free. And then a banquet, instead a sandwich, it’s just a banquet. And there’s still bring home because there’s too much food to be home. You know. And then, bring them back home. No expenses from their side. I thought I was helping them; I thought I was helping the society of the US in doing that for so many years,” ayon sa Butihing Pastor.

Pero imbes na matuwa ang US, naging malaking banta ang Butihing Pastor sa kanila at itinuring na kumptensiya ang KOJC sa naglalakihang mga simbahan sa Amerika.

Sa huli, iginiit ng Butihing Pastor na para mawala ang sumpa sa US, dapat gawin ng gobyerno nila doon ang tama.

Ibasura ang mga gawa-gawang kaso laban sa kaniya, linisin ang pangalan niya at ng KOJC sa Amerika at pabalikin siyang mangaral doon.

“28 years akong balik-balik doon, walang nangyaring ganyan. In fact, we are converting many many there to righteousness. ‘Di nila gusto iyon—pinaniwalaan nila ang kasamaan. Nakikita naman nila ang aking ginagawa doon.  So, iyan, karma iyan. Spiritual iyan ha. Kaya touch not mine anointed, do my prophets no harm,” giit ni Pastor Apollo.

Atty. Panelo: Inggit ang U.S. kay Pastor Apollo dahil binabago nito ang buhay ng mga puti

“Talagang gawa-gawa lahat ng akusasyon at itong mga Amerikano eh naniwala naman. Tama si Pastor, hindi sa naniwala—nagselos ito kay Pastor Apollo Quiboloy kung paano nakakabago siya ng maraming mga mamamayan upang sumapi sa Kingdom of Jesus Christ,” ayon pa kay Panelo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter