Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng foreign ownership ng TV5: Sundin ang batas

Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng foreign ownership ng TV5: Sundin ang batas

SINABI ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang batas ang dapat manaig hinggil sa isyu ng foreign ownership ng TV5.

Dapat manaig ang ngipin ng batas.

Ito ang paninindigan Pastor Apollo C. Quiboloy hinggil sa isyu ng foreign ownership ng TV5.

“Sundin natin ang batas, sundin ang Konstitusyon. Kung ano ang iniutos ng batas, kung ano ang ipinagbabawal ng batas dapat ‘yun ang masunod. Ipapakita natin dito na ‘no one is above the law,” ayon kay Pastor Apollo.

Dagdag pa ng butihing Pastor, ilang kasunduan na rin ang napawalang-bisa dahil sa paglabag sa batas.

Tulad na lamang ng TV5, ABS-CBN merger, at COMELEC-Rappler partnership.

“Ito ang TV5 di ba at ang ABS-CBN na hindi ko matatawag na merger ‘yun kundi parang binili. Parang binili yung ABS-CBN ng TV5. So ano yun acquisition?” dagdag pa ni Pastor Apollo.

“Ngayon nagpa media sila, nagpa diyaryo, masaya pa sila nagpirmahan, eh against the law pala ‘yun,” saad pa ni Pastor Apollo.

“Pareho rin sa COMELEC at Rappler na walang public consultation, nagpirmahan sila. Alam natin kung sino’ng Rappler tapos pumasok sa COMELEC, mga boto natin pakikialaman. Magpa-fact-check di ba na-abrogate din kasi against din,” dagdag ni Pastor Apollo.

Kaugnay nito, nagbabala si Pastor Apollo na nagmamanman ito, ang SMNI at ang mamamayan sa mga iligal na kalakalan.

Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na nabisto na ngayon ang TV5 dahil sa naging kasunduan nito sa ABS-CBN.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, nadamay tuloy ang TV5 sa sumpa ng ABS-CBN.

Matatandaang hinamon ng isang actor/comedian ang butihing Pastor na pahintuin ang isang programa sa ABS-CBN.

Samantala, tinawag naman ni Pastor Apollo na ‘mambubutas’ ang mga mambabatas na nagsusulong sa pagbabalik ng ABS-CBN dahil ‘nami-miss’ na umano ito ng mga Pilipino.

 “Lalong sisikat si Marcoleta niyan, si Barzaga, si Defensor. ‘Yan ang nagtatanggol sa batas,” ani Pastor Apollo.

Sinabi ni Pastor Apollo, wala namang nagpapahinto sa ABS-CBN basta’t magbayad lang ng buwis at sumunod sa batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter