PAGMAMAHAL at malasakit sa bayan.
Kabilang ito sa binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy at Founding Chair ng Keeper’s Club International sa mensahe nito sa mga kabataang dumalo sa National Youth Convention sa Baguio City nitong weekend.
Sa video message nito na pinanood ng mga dumalong kabataang lider at mga kadete ng Armed Forces of the Philippines at ROTC Corps commanders mula sa iba’t ibang unibersidad sa bansa, binigyang-diin ng butihing Pastor ang malaking papel ng mga kabataan sa bansa.
Lalo na sa kasalukuyang hamon tungo sa mabilis na pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya at pananaw ng kapaligiran.
Pinasalamatan din ni Pastor Apollo ang pamunuan ng National Youth Commission sa pag organisa ng nasabing aktibidad na magiging tulay sa pagbabago ng mga kaisipan ng mga kabataan tungo sa pagbabago sa lipunan.
Bukod sa mga delegado, ang Keeper’s Club International, kagaya ng iba pang pro-government youth organizations sa bansa ay matagal nang katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang may kinalaman sa pangkapaligiran, pangkalikasan, community outreach, disaster response at sa espiritwal na aspeto ng mga kabataan.