SINAGOT ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang paratang ni Inday Varona matapos ang kaniyang panawagan na i-abolish ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“Sabi mo smack ito in the heart of whole nation approach, it’s a cop out, it’s a diversion from good governance. Hindi ka nagsasalita ng totoo. Eto nga ang good governance. Na syang nakapag surrender sa napakaraming armed group na NPA,” pahayag ni Pastor Apollo.
Matatandaan na sa isang social media post, sinabi ni Varona na isang ‘cop out’ ang NTF-ELCAC at inililihis nito ang good governance.
Naniniwala si Varona na ang NTF-ELCAC ay siya ring nasa likod ng umano’y paglabag sa human rights, at maihahalintulad sa kampanyang war on drugs o anti-insurgency campaign ng nakaraang administrasyon.
Pinasinungalingan naman ito ni Pastor Apollo.
Nagbigay ng mga halimbawa ang butihing Pastor sa mga bunga ng implementasyon ng NTF-ELCAC kasama na rito ang pagdeklara ng Davao bilang insurgency-free, at ang pagsuko ng libu-libong miyembro ng New People’s Army.
“Dahil sa NTF-ELCAC, marami ang mga sumurrender na masa. Kasi diretso sa kanila ang pagpapala ng gobyerno. Hindi na dumaan sa mga, dadaan pa, na sabi nga ni Robin Padilla, ang troso ay naging toothpick na lang,” dagdag ng butihing Pastor.
“Noon na wala pa itong NTF-ELCAC, ang ating military, makakuha ng dalawa, tatlo, apat o limang armas ng NPA, masaya na sila. Pero ngayon, libo-libo ang nag susurrender ng dahil sa NTF-ELCAC. Nang dahil nakita nila na ang gobyerno ay merong pag-aruga sa kanila. Nagkaroon sila ng daan, nagkaroon sila ng patubig, nagkaroon sila ng paaralan,” aniya.
“For the first time nakikita natin na sinusunog na nila ang bandila ng CPP-NPA-NDF ng komunistang grupong teroristang ito. For the first time, daan-daang mga baril na high-powered ang sinusurrender nila because of NTF-ELCAC, EO 70-whole of nation approach. Wag itago ang katotohanan,” saysay pa ni Pastor Apollo.
Kinuwestiyon din ni Pastor Apollo kung bakit sumasakit ang loob ng mga tulad ni Varona gayong marami nang nagawa ang NTF-ELCAC upang labanan ang insurhensiya.
“Bakit masakit ang loob ninyo sa NTF-ELCAC? Kung hindi ka NPA, hindi sasakit ang loob mo. Sapagkat masaya ang bayan. Masaya ang mga barangay, masaya ang lipunan, masaya ang mga nasa liblib na lugar. Sino ang nagdadalamhati? Ang CPP-NPA-NDF,” aniya.
Isa rin sa mga naging tanong ng butihing Pastor ang pagiging dating mataas na opisyal umano ni Varona sa loob ng komunistang teroristang grupo.
“Totoo ba ito Inday Varona na ang pakay mo ay buwagin ang NTF-ELCAC? Iyon ang hangarin mo? At totoo ba na ikaw Inday Varona ay isang CPP at dating finance officer ng Red Scorpion Group? Totoo ba iyon? Iyon ang isyu ni Ka Eric na sagutin mo,” tanong ni Pastor Apollo.
Dating CPP finance officer, ibinunyag ng dating kadre ng NPA
Ang panawagang ito ni Pastor Apollo ay kasunod ng pahayag ni dating CPP-NPA-NDF kadre, Ka Eric Celiz sa programang Laban Kasama ang Bayan.
Ayon sa dating kadre, si Varona ay dating finance officer sa Red Scorpion Group ng CPP-NPA-NDF.
“Paninindigan namin na sinasabi dito ng mga alumni na mga NPA na nagbalik-loob, na si Inday Varona ay matagal nang involve sa Red Scorpion Group,” pahayag ni Ka Eric Celiz, dating kadre, CPP-NPA-NDF.
Inday Verona, dating finance officer ng assassination group ng CPP-NPA — dating kadre
Ayon kay Ka Eric, ang Red Scorpion Group ay isang sparu unit na katumbas ang Alex Boncayao Brigade, ang urban assassination unit ng NPA na dating nakabase sa rehiyon ng Southern Tagalog.
Notoryus ito sa mga iligal na operasyon tulad ng kidnap for ransom, bank robbery operations, at assassination.
“So nagtatanong ang taong bayan, na reveal mo ba ito, Inday Varona Espina? ani Ka Eric.
“So Inday Varona was with the CPP, Eric? tanong naman Dr. Lorraine Badoy, former spokesperson, NTF-ELCAC.
“Yeah, kasi hindi man siya pwede maging finance officer kung hindi, ng Alex Boncayao Brigade Unit na Aris-G(?) Red Scorpion Group,” tugon ni Ka Eric.
“So it’s very clear today why she’s writing all of this,” ani Badoy.
Hinamon din ni Ka Eric si Varona na sagutin at ipaliwanag sa taong bayan kung totoo nga ba na kabilang siya noon sa CPP-NPA-NDF.
“Kung hindi yan totoo, e di magpaliwanag ka. Pero maraming lumalabas even in the intelligence reports na nakaabot sa atin that you were once a finance officer for the Red Scorpion Group,” dagdag pa ni Ka Eric.
Para kay Pastor Apollo naman, hinikayat niya na sabihin ni Varona ang totoong resula ng NTF-ELCAC bilang isang mamamahayag.
“Abolish NTF-ELCAC? Eh hindi ka nagsasalita ng totoo. Kasi hindi mo naman sinabi kung ano ang resulta ng NTF-ELCAC na nakikita ng aming dalawang mata. San ka kampi ngayon? Sa fake o sa totoo? So Inday Varona, maging tunay ka na, kung ikaw isang journalist, sabihin mo ang totoo. Truth that matters,” ayon kay Pastor Apollo.