Pastor Apollo C. Quiboloy, sinorpresa ilang minuto bago ang kaniyang kaarawan

Pastor Apollo C. Quiboloy, sinorpresa ilang minuto bago ang kaniyang kaarawan

ILANG minuto bago sumapit ang kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ngayong Abril 25, sinorpresa ang butihing Pastor ng mga manggagawa ng The Kingdom of Jesus of Christ.

Nasa venue si Pastor Apollo kung saan gaganapin ang kaniyang birthday celebration kagabi upang tingnan ang mga paghahanda para sa araw na ito.

Abalang-abala mismo si Pastor Apollo na pangunahan ang mga paghahanda, mula sa napakaganda, world-class at elegant na design ng venue, music, maging sa food preparation.

Kaya naman hindi na namalayan ni Pastor Apollo ang oras.

At habang nakikipag-usap nga si Pastor Apollo, isang minuto eksakto bago ang pagsapit ng Abril 25, ay unti-unti nang lumapit ang mga Kingdom Citizen, partikular na ang mga leader ng Kingdom of Jesus Christ, ay naghandog ng happy birthday song.

Kitang-kita naman ang tuwa sa mga mata ni Pastor Apollo habang siya’y inaawitan ng happy birthday.

Kasunod niyan ay ipinalabas ang mga birthday greetings ng mga malalaking personalidad sa bansa kabilang na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Vice President Inday Sara, mga senador, kongresista, at mga kaibigan sa pulitika at iba pang industriya na talaga namang hanga kay Pastor Apollo.

Ngayong araw ng kaniyang kaarawan ay ang pagdiriwang din ng International Children’s Day kung saan inilaan mismo ni Pastor Apollo ang kaniyang kaarawan para sa mga batang musmos hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter