Pastor Apollo C. Quiboloy, sumuko at hindi inaresto─Atty. Torreon

Pastor Apollo C. Quiboloy, sumuko at hindi inaresto─Atty. Torreon

MATAPOS ang dalawang linggo na ilegal na pag-okupa at paghahalughog ng PNP sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious compound sa Davao City ay nilisan na rin ito ng libu-libong pulis.

Ayon sa legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon, boluntaryong sumuko si Pastor Apollo at apat na kapwa akusado na sina Sis. Ingrid Canada, Enteng Canada, Sylvia Cemanes, at Jackielyn Roy.

“The rumor that he was arrested was really not true, we would like to correct that it took us days of negotiation and the efforts of these army and PNP officials.”

“Please be guided that he voluntary surrendered to the folds of the Law. That’s the real news of the matter,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.

Ang pahayag na ito ay taliwas sa ipinakakalat na balita ni Benhur Abalos ng DILG na nahuli ng awtoridad si Pastor Apollo.

Ayon sa abogado, piniling sumuko ni Pastor Apollo dahil sa hindi na niya makayanan ang pagpapahirap na dinaranas ng kaniyang mga miyembro mula sa kamay ng mga kapulisan.

Mayroon din kasi siyang natanggap na intel report o banta na huhulihin at sasaktan ang mga KOJC members at missionaries.

“Proximate cause was the sufferings. But the immediate cause was the text message and the actual mobilization of forces na parang gloves off na talaga. So sabi ni pastor baka magkamatayan na talaga ito kasi ‘yung mga miyembro niya handa na talagang mamatay. Kung dakpin cge magpadakip sila and let’s stop this ako na mag surrender.”

Pastor Apollo hindi nagtago sa KOJC religious compound

Sinabi rin ni Atty. Torreon na si Pastor Apollo ay hindi nanatili sa KOJC religious compound sa loob ng 2 linggong pagkubkob dito ng kapulisan.

Taliwas ito sa ilang beses na pinaninindigan ng PNP na si Pastor Apollo ay nasa isang underground bunker sa loob ng nasabing KOJC religious compound

“Dun lang sa kabukiran lang po sa Davao for the entire duration na hindi siya makita” aniya.

Sinabi ni Torreon na nagdesisyon si Pastor Apollo na sumuko sa Armed Forces of the Philippines dahil may tiwala siya sa mga ito.

“Si pastor kasi gusto talaga mag submit himself to the ISAFP, ‘yan talaga ang totoo, doon siya sa army may tiwala pero honestly ang totoo naman ang army naman sabi nila wala kaming police power. This is a police matter” ayon pa kay Torreon.

Matapos sumuko ni Pastor Apollo at ang apat na iba pa niyang kasama ay agad silang dinala sa PNP Custodial center sa Camp Crame nitong Linggo ng gabi.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble