Pastor Apollo C. Quiboloy, tumanggap ng courtesy calls mula sa mga opisyal ng pamahalaan

Pastor Apollo C. Quiboloy, tumanggap ng courtesy calls mula sa mga opisyal ng pamahalaan

NAG-courtesy call kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga opisyal ng gobyerno at mga anchor mula sa SMNI at DZAR Sonshine Radio kung saan sila ay nagpahayag ng labis na paghanga at pasasalamat sa butihing Pastor.

Matapos magbigay ng kaliwanagan si Pastor Apollo sa mga isyung espirituwal at politikal sa kanyang programang Spotlight, tumanggap siya ng courtesy calls mula sa mga national at local government official nitong Miyerkules ng gabi.

Kabilang dito si Anti-Red Tape Authority Director General Sec. Ernesto Perez, Agriculture Assistant Secretaries Kristine Evangelista at James Layug, Davao Occidental’s Lone District Rep. Claude Bautista, Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Department of Migrant Workers former Secretary Abdullah Mama-o.

Pinasalamatan ng mga lingkod-bayan ang butihing Pastor sa kanyang lubos na suporta at patnubay na kanilang natatanggap hindi lamang sa espirituwal na aspeto kundi maging sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

“Alam niyo naman ang daming challenges ng ating kagawaran and it was nice na he was able to share insights and also kami din po, we had the opportunity to tell him yung mga pinagdadaanan ng ating mga stakeholders at naiintindihan niya. He also shared kung ano ang ginagawa sa ibang bansa, anong mga solutions ang pwedeng gawin. So yung mga ganiyang pag-uusap are very valuable to us because it’s nice to know na mayroon kang kakampi na alam ang pinagdadaanan ng mga stakeholders na walang halong interest,” pahayag ni Asec. Kristine Evangelista, Department of Agriculture.

“Malaking bagay na nakausap natin si Pastor. At yung kanyang suporta sa advocacy at isinusulong ng ating Pangulo na food security program especially sa paghabol at pagpapatigil sa mga agricultural smuggling na nangyayari sa ating bansa, full support ang ating Pastor sa programa,” ayon kay Asec. James Layug, Department of Agriculture.

“It was a blessing for me, personally speaking. Nakakadagdag ng lakas eh kung ano yung kasalukuyang ginagawa ko. Kailangan ko pala ang ganitong mga bisita kay Pastor. Nagsisisi nga ako dahil matagal ko na dapat ginawa eh. Hindi ko ginawa na mas maaga. Very enlightening, not only from the spiritual aspect in my life but even in public service. Si Pastor, napakaraming idea saka nakita ko how to do it. Salamat sa pagkakataon na ito,” ani Mayor Marcy Teodoro, Marikina City.

Nagpapasalamat din sila kay Pastor Apollo sa pag-aalay ng kanyang multimedia ministry para sa nation-building sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga programa para ipakita kung ano ang nagawa ng gobyerno para sa taumbayan.

“Isa pong malaking karangalan, honor sa akin, bilang pinuno ng Anti-Red Tape Authority na mameet po personally si Pastor Apollo Quiboloy, kung saan ang SMNI po isa iyan sa nagbibigay talaga ng coverage sa Anti Red Tape Authority sa mga programa, inisyatibo, to bring out the good news to the Filipino people. Maraming maraming salamat po Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon naman kay Sec. Ernesto Perez, Director General, Anti-Red Tape Authority.

“Nagpapasalamat ako dahil sa kanya na nagising yung mga tao kung ano talaga yung mga katotohanan, ano yung mga pangyayari dito sa ating bayan. Nagpapasalamat ako na isa ako sa naging kaibigan ni Pastor Quiboloy,” saad ni Rep. Claude Bautista, Lone District – Davao Occidental.

“Kung maaari lang mas lalo pang palawakin yung coverage niya para sa kaalaman ng mga sangkatauhan sa Pilipinas. Para mayroon talagang totoong balita na ipapadala sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas,” dagdag ni Bautista.

“Ang masasabi ko lang una una, si Pastor is one of the leaders in Mindanao. Ngayon I took this opportunity to see him personally because for the last more than 6 years I was with the administration of the President, this was the first time that I had a meeting with Pastor Apollo Quiboloy,” wika ni Abdullah Mama-o, Former Secretary, Department of Migrant Workers.

“I’m very glad I have this opportunity to be with him and with some of his friends,” aniya pa.

Mga personalidad ng SMNI at DZAR, nag-courtesy call kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Samantala, hindi rin pinalampas ng SMNI anchors ang pagkakataong makasama si Pastor Apollo.

Bumisita sa butihing Pastor sina Laban Kasama ang Bayan Anchor Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Problema Nyo Itawag kay Panelo anchor Atty. Sal Panelo, Business and Politics anchor Dante Klink Ang III and Pinoy Legal Minds host Atty. Mark Tolentino.

Nag-courtesy call din ang DZAR Sonshine Radio Anchors kay Pastor Apollo sina Atty. Rolex Suplico, Tony Cuevas, Angelo Almonte, Pelita Uy at Mhet Miñon.

Muling iginiit ng butihing Pastor sa mga anchor na ang kanyang puso ay nakaangkla para sa nation building sa pamamagitan ng kanyang global multimedia ministry.

Nagpahayag naman sila ng lubos na pasasalamat sa butihing Pastor sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maging bahagi ng kanyang marangal na layunin para sa sambayanang Pilipino.

“Pastor I just want to take this opportunity no, thank you Pastor for since 2019 that I entered DZAR through shows na Actionline then Makialam. Thank you very much Pastor for the opportunity na I can serve in a way na iba. Thank you for all the things na itinuturo mo because all the people here are nice. And no matter what they tell you or how people will malign you, we know your heart because it’s being shown by all the people here,” ayon kay Pelita Uy, anchor, Makialam.

“Palagi kong sinasabi sa programa kapag may nagpapasalamat sa akin doon sa programang Problema Nyo Itawag Kay Panelo, kay Pastor kayo magpasalamat dahil siya ang nagcreate ng programa para sa inyo. At maraming natutulungan. Kahit saan ako magpunta laging nagpapasalamat sa ginagawa natin. Sabi ko punta kayo kay Pastor, doon kayo magpasalamat,” wika naman ni Atty. Salvador Panelo, SMNI Anchor.

Follow SMNI NEWS in Twitter