MARIING ipinaliwanag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na panukalang Maharlika Wealth Fund.
“You know, hindi lang tayo ang gumagawa ng ganu’n eh. Kahit ang Singapore may mga investment funds silang ganyan na pampausbong sa kanilang ekonomiya. Ang dito lang sa atin, kailangan makasiguro tayo na iyan ay makakatulong sa ating pamayanan. Eh baka sa katapus-tapusan eh nawaldas iyan, nawala. Pagkatapos wala ng…Iyon ang concern ng marami,” ito ang naging reaksyon ni Pastor Apollo tungkol sa kontrobersyal na Maharlika Wealth Fund o Sovereign Wealth Fund.
Ani Pastor Apollo, pabor siya sa panukala kung maayos ang paggamit sa pondo at makatutulong ito sa ekonomiya ng bansa.
“Pero kung ito maayos ang pagkagawa, maayos ang pagkagamit, makakatulong sa ating ekonomiya iyan. Makakatulong iyan kung iyan ay maayos ang pagka-manage. Lalo na kung ang presidente ang siyang sigurong magma-manage. So, siya ang mananagot kung halimbawa ay pumalpak,” ayon ng butihing Pastor.
Wala rin aniyang nakikitang masama si Pastor Apollo kung gagamitin ang pondo sa kabutihan at umaasa rin siya na hindi magagalaw ang pension funds.
“Wala akong nakikitang masama riyan kung magagamit sa kabutihan at magagamit naman talaga kung iinvest mo ‘yan kesa natutulog lang, di ba? At siguruhin lang na iyong pension ay hindi mawawala kasi kinakailangan din iyon ng mga nagre-retire na—pension fund,” ani Pastor Apollo.
Dagdag din ng butihing Pastor na dapat palakasin ang mga implementing rules and regulations (IRR) at kinakailangang may safeguards upang hindi basta basta magagamit ang pondo rito.
“Si Rep. Sandro naman in an interview said, “The GSIS and all these corporations do already have investible funds. Hindi po galing sa pension. It will be taken from the investible funds that are already there. Those corporations already invest in real and financial assets through those investible funds. They do not use the pension money. So instead of being used individually, those investments will just be pulled into the sovereign wealth fund. Hindi po hahawakan ang pension ng ating mga kababayan,” ayon pa ng butihing Pastor.
Bagaman may konting alinlangan si Pastor Apollo batay sa pahayag ni Sen. Imee Marcos, muli niyang iginiit na kung may mga tamang safeguards ang nasabing panukala ay hindi tayo matutulad sa nangyari sa Malaysia.
“So, maganda ‘to. Tulad ng sinabi ko at tulad ng sinabi ni Cong. Marcos. Si Imee naman, ayaw niya rin dito noh. Imee Marcos, said the proposed sovereign wealth fund could suffer the same fate as Malaysia’s 1Malaysia Development Berhad (1MDB). “What happened in their 1MDB was truly a disaster because it downed the whole government and the political party that started in the Republic of Malaysia,” ayon kay Pastor Apollo.
“Iyan ang isa ring dapat na tingnan dahil baka pumunta rin sa ganu’n kasi mayroon ding nangyari na nasa Malaysia na nagkaganoon eh. Pero kung may mga proper safeguards, at saka talagang well-managed, makakatulong, siguruhin lang makakatulong. Kaya iyong ang sinabi ko, baka sa katapus-tapusan, nawala na, wala pang naitulong. Eh masama iyon,” dagdag ng butihing Pastor.
Matatandaang ipinanukala ni House Speaker Martin G. Romualdez ang sovereign wealth fund na nakapaloob sa House Bill (HB) No. 6398.
Ang nasabing panukala ay layuning makalikom ng kapital mula sa mga kontribusyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.