HINAMON ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga mainstream media na gayahin ang programa sa SMNI na Laban Kasama ang Bayan na matapang na tumutuligsa sa mga makakaliwang grupo at sa mga lapastangan na ginagawa ng mga ito.
“Pustahan tayo hindi niyo kami magagaya, oo di, hamon ha, tapang challenge,” pahayag ni Pastor Apollo.
“Hinahamon ko ang lahat ng mainstream media gayahin ninyo kami dito sa LKAB, titingnan namin ang tapang ninyo, para sa bayan,” dagdag ng butihing Pastor.
Ito ang hamon ni Pastor Apollo sa mga mainstream media sa bansa na maglaan ng libreng air-time para isulong ang kapakapanan ng mga ordinaryong tao laban sa mga pananakot, pagpatay, at karahasang dulot ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
Pagdidiin ng Pastor, nakalaan ang SMNI para sa mga programang sumusuporta sa pamahalaan at tulungan ito sa mga adbokasiya at hangarin para sa pagpapaunlad ng Pilipinas.
Ayon sa butihing Pastor, mahihirapan ang mga mainstream mediang gayahin ang SMNI dahil hindi ito nababayaran, bukod pa sa malinis ang intensyon nitong maghatid ng tamang impormasyon para sa bayan.
“Alam mo Jade kasi hindi tayo bayaran, we are doing this for nation building. We are contributing this for our nation, for the information war that has been denied to the Filipino people for the longest time. And this mainstream media did not help a bit kung baga pa, tinutulungan nila ma- disinform ang mga tao, at ang masama ay pinapabuti pa nila. Eh ngayon dumating tayo. Walang bayad-bayad sa min dito, hindi kami bayaran,” ayon kay Pastor Apollo.
“Ito gagawin natin hindi lang giant network, super giant network. At ito’y para sa pagpapaunlad ng ating bayan. Good information, lahat ng impormasyon makukuha nilang mabuti dito sa atin. We don’t aim at anything, but that ngayon, ipo-focus natin doon yan,” dagdag ng butihing Pastor.
Matatandaang labis ang pasasalamat ng mga dating myembro ng CPP-NPA-NDF, mga dating kadre, at mga magulang ng mga anak na nalinlang ng teroristang grupo sa SMNI sa pagbibigay ng libreng air time sa pamamagitan ng programang Laban Kasama ang Bayan upang mamulat ang publiko sa mga kalapastanganan ng mga rebeldeng grupo.
Samantala, may mensahe naman ang butihing Pastor para sa mga makakaliwang grupo.
“Hinto na kayo kasi hindi namin kayo titigilan, hanggang nandyan kayo nandito pa rin kami, hangga’t wala na kayo nandito pa rin kami,” wika pa ni Pastor Apollo.
Nilinaw rin ng butihing Pastor, na hindi hangad ng SMNI na makakuha ng credit para sa mga ginagawa nito—dahil sa layon nitong maka contribute sa nation-building.