Pastor Apollo, ikinatuwa ang nilagdaang SIM Card Registration Act ni PBBM

Pastor Apollo, ikinatuwa ang nilagdaang SIM Card Registration Act ni PBBM

PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang programang Spotlight ang paglagda sa SIM Card Registration Act ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa butihing Pastor, malaking bahagi ito sa kabagsakan ng teroristang grupo sa bansa sa panloloko, pangongotong at exploitation.

Diin ni Pastor Apollo, hindi kailanman dapat ikatakot ang batas na ito dahil malaking tulong ito upang mabulgar ang masasamang gawain ng CPP-NPA-NDF sa milyong-milyong Pilipino.

“Bakit tayo masaya sa SIM Registration Act? Bakit tayo masaya? Kasi panghuli rin ito sa ahas hindi na sila makapagtago pa kasi malalaman natin communication nila. Di ba kapag may nahuhuling- ang dadaming cellphone bibili ka lang ng SIM card tapos itapon mo hindi ka na matra-trace, ngayon hindi ka makabili kung hindi ka makapag-register. Napakaganda para sa mga law-abiding at God-fearing pero sa mga ahas. Yung lata na lang siguro. Yung maliit pa tayo condensed milk na lata na may lata, siguro ganon na lang gagawin nila. Kapag dumaan sa ere iyan naka-register kuha lahat yan paano pa sila makakapagloko ngayon matra-trace sila. Bakit ayaw niyong ma-trace kayo kung meron kayong ma-trace mga ahas yan gumagawa ng kabalastugan iyan, gumagawa ng kalokohan niyan. Pero kung law-abiding, God-fearing. Bakit tayo natatakot sa national ID, natatakot ba tayo? Hindi tayo takot sa SIM Registration Act,” pahayag ni Pastor Apollo.

Tanging may mga masasamang balak lamang ang takot sa nasabing batas gaya ng CPP-NPA-NDF dahil hindi na sila makakapangloko.

“Tama yun, pinirmahan na di ba? Batas na, kaya lahat ng paraan upang ikaw ay mapuksa ay nandito na. Panahon na ninyo na bumagsak ngayon, wala kaming binabangga rito na hindi bumabagsak basta masama masama, pero kung mabuti pino-promote natin. Kaya manalangin kayo, kung marunong kayo manalangin mga ahas kayo. Mag sign of the cross na kayo,” ayon pa sa butihing Pastor.

Dagdag pa ng butihing Pastor, 1000% niyang suportado ang batas na hindi lamang teroristang grupo ang mapupuksa maging ang mga pribadong indibidwal na ang layunin lamang ay manloko.

“Kung law abiding ka at wala ka namang nilalabag na batas at wala kang layunin na gumawa ng masama sa kapwa tao mo, bakit matatakot ka? Hindi ka naman drug lord na may drug transaction ka kung hindi ka naman kidnapper, grupo ng sindikato ng kidnapper bakit ka matatakot, pero kung private lang parang private na pag-uusap,” ayon pa ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter