Pastor Apollo, ipinaliwanag ang kahulugan ng SMNI tagline na “Truth That Matters”

Pastor Apollo, ipinaliwanag ang kahulugan ng SMNI tagline na “Truth That Matters”

SA kanyang programang SpotLight ay ipinaliwanag ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy kung bakit naging tagline ng SMNI ang katagang “Truth That Matters.”

Ayon sa butihing Pastor, ito ay dahil sa walang takot na paghahatid ng makatotohanang impormasyon at balita ng SMNI at pagsusulong sa nation-building.

Partikular na ipinunto rito ni Pastor Apollo ang katapangan ng SMNI para ilantad ang panlilinlang ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa taumbayan lalo na ang panggagamit nito sa mga kabataan.

Giit ng butihing Pastor, naliliwanagan na ngayon ang sambayanan sa katotohanang itinatago ng mainstream media.

“Nakikilala na ng taumbayan ngayon na hindi nila alam noon, nagtatago kasi itong ang mga media outlets na ‘to, at ang kanilang isinusulong ay ‘yung kasinungalingan ng CPP-NPA-NDF noong wala pa ang SMNI. Pagkatapos ngayong nandito na ang SMNI, ang taumbayan ay naliliwanagan kaya nasi-separate na natin ang mga tupa at mga kambing dito. Sino ‘yung mga kambing sino yung mga tupa. Sino yung totoo o hindi,” pahayag ni Pastor Apollo.

Nabanggit din ni Pastor Apollo ang tila pangmamaliit ng isang media personality sa SMNI matapos ang exclusive interview ng butihing Pastor kay Justice Secretary Boying Remulla kamakailan lang.

 “Meron ngang isang personality riyan sa GMA-7 ba ‘yan noong, ano ‘yung isyu na ‘yun na bakit nabanggit niya ang pangalan ko noong pumunta rito si Sec. Remulla, matagal daw sila naghihintay. Pagkatapos, he appeared elsewhere, ang tawag niya sa SMNI ay elsewhere. Ibig sabihin minamaliit niya ang SMNI. Ito po naman ang taong ito ang nag-interview sa akin, ayaw kong magpa interview sa kanya, inayawan ko ‘yun pero nagsisipumilit siya na wala naman daw tong kinalaman sa ano. Kasi ako, noong iniinterview ako, inosente ako eh,” ayon sa butihing Pastor.

Ibinahagi rin ni Pastor Apollo na siya mismo ay nakararanas ng tiwaling kalakaran ng ibang media outlets.

“May nag-interview nga sa akin diyang, unang-una, sino ba ‘yun, Che-che Lazaro ba ‘yun, Probe Team, maganda ‘yung pasok nila. Ako naman inosenteng-inosente sa mga panahong iyun hindi ko alam kung ano ang kalakaran ng mga mediang ito. ‘Pag labas naku, binaliktad lahat, ako pa ‘yung naging masama ngayon. Kusang loob ako nag… kasi maganda ‘yung pagpasok nila, malambot, maganda akala mo talagang totoo. Noong ibinalita na aba naku, ibang iba, kasiraan. Ito ngayon, itong Atom Araullo, nag-interview sa akin, siya yung nagsabi sa akin na, you know, wala no lang ‘to, para sa ano lang, kung anong hold ng relihiyon, dinala ‘yung CNA. Okay sige, punta kami ng PM (Prayer Mountain), punta kami ng GM (Glory Mountain), kasama pa natin siya sa SpotLight. Okay lang, kasi maganda so, salamat naging magkaibigan kami. Noong nabasa ko ‘yung Tweet niya, siniraan ako. Wala naman akong kasalanan kung dito pupunta si Boying Remulla kasi wala siyang tiwala sa inyo, ‘di ba,” ayon pa ni Pastor Apollo.

Una na ring sinabi ni Pastor Apollo na mananatili ang paninindigan ng SMNI sa katotohanan at pagsusulong sa interes ng bansa.

IBA PANG BALITA:

Pastor Apollo sa pagiging fiscalizer ni PRRD: Dapat ‘yun sa check and balances natin

Agarang pagpapaalis kay Gen. Bantag sa BuCor, hindi makatarungan –Pastor ACQ

Pastor Apollo, suportado ang pagkatalaga kay ex-PNP Chief Cascolan bilang DOH Undersecretary

Pagpapatalsik kay Gen. Bantag sa BuCor, pangunahing layunin sa pagpatay kay Percy Lapid –Pastor Apollo

Follow SMNI NEWS in Twitter