NAGHAYAG ng pagkontra si Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, sa senatorial candidate na si Neri Colmenares.
Ito ay matapos ipinost ni Colmenares sa kanyang social media account na ang taong 2022 ay ang taon ng oposisyon dahil pagod na aniya ang sambayanang Pilipino sa kapalpakan, korupsiyon, walang kakayahan at pang-aapi ng Duterte administration na ngayon ay kinakatawan ng BBM-Sara tandem.
Sa kanyang programang Powerline, araw ng Huwebes, sinabi ni Pastor Apollo kabaliktaran ang sinasabi ni Colmenares.
Ani Pastor Apollo, ang kinasasapiang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ni Colmenares ang totoong walang kakayahan at mapang-api sa taumbayan.
Nilinaw ni Pastor Apollo na wala syang kinikilingang administrasyon kundi ang tinitingnan nya ay ang mithiin ng isang kandidato na taus-pusong maglingkod sa sambayanan.