Pastor Apollo kay Sandro Marcos: Mautak, mana sa tatay at lolo

Pastor Apollo kay Sandro Marcos: Mautak, mana sa tatay at lolo

MAY magandang komento si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy kay Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

“Alam mo itong panukala ni Cong. Sandro, magandang-maganda kasi dumadami ang tao dito sa ating bansa at nakikita natin ang mga power outages palagi no’ tapos mahal pa ang kuryente at pagkatapos ‘yung ibang mga independent power supplier nagsasamantala pa rin kung halimbawa masyadong demand, tapos ‘yung power outages palagi,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Swerte tayo dito sa Davao e’ hindi naman masyado, pero sa ibang lugar matindi, tapos ang taas pa ng kuryente. Kaya itong panukala ni Cong. Sandro napakaganda kung ito’y matutupad, siguruhin lang na ito ay malagay sa isang lugar na less prone sa earthquake,” dagdag ng butihing Pastor.

Naglabas ng kanyang mosyon si Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos sa pagbuo ng special committee sa Kamara para pag-aralan ang nuclear energy.

Lalo na’t prayoridad ng administrasyon ng kanyang amang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang paggamit nito.

“Madam Speaker, I move for the creation of the special committee on nuclear energy with 25 members and with its jurisdiction as follows. All matters directly and principally relating to the policies and programs for the production, utilization, and conservation of nuclear energy including the development of nuclear power infrastructures,” pahayag ni Rep. Marcos.

Ang pagsusulong ng Presidential son at ng House Leadership sa nuclear energy ay  isang hudyat na seryoso dito ang Pangulo.

“With nuclear energy as a reliable, cost competitive, and environment friendly energy source to ensure energy security consistent with the national interest and the state’s policy of freedom from nuclear weapons,” ayon sa batang mambabatas.

Para sa butihing Pastor, magandang solusyon ang nuclear energy para maiwasan na ang mga brownout sa bansa.

Lalo na’t dumadami ang populasyon at mga negosyo sa Pilipinas.

“Kasi magiging mura na, cost effective ‘yung nuclear e’. At saka wala nang outages masyado, at saka abundansya. So, wala na tayong aalalahanin sa mga bagay na ‘yun. At nawa’y magkaroon ito ng katuparan, kasi dumadami ang tao, dumadami ang establisyemento at dumadami ang nangangailangan ng elektrisidad. Kaya ito siguro pinaka magandang solusyon,” ayon kay Pastor Apollo.

At kahit bagito man sa public service, halatang angat sa ibang neophyte congressman si Marcos.

‘So, Si Cong. Sandro bata tingnan pero mautak, mana sa tatay niya at mana sa lolo niya. Kaya magandang panukala ito,” ayon kay Pastor Apollo.

Sa naunang exclusive interview ng SMNI kay Marcos, nauna na niyang pinasalamatan ang butihing Pastor sa tulong nito sa Marcos administration at ang suporta ng SMNI sa mga programa ng gobyerno.

 

Follow SMNI News on Twitter