Pastor Apollo, magandang impluwensya kay PRRD – Cong. Defensor

Pastor Apollo, magandang impluwensya kay PRRD – Cong. Defensor

PARA kay Quezon City mayoral candidate Congressman Mike Defensor, hindi nagkamali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakaroon ng kaibigan na kagaya ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Sa kanilang muling paghaharap, hindi napigilan ni Defensor ang kanyang lubos na paghanga kay Pastor Apollo.

Kasunod ito ng imbitasyon ni Pastor Apollo kay Defensor upang maging panauhin sa programang SMNI Exclusive sa paglalahad ng magagandang programa, proyekto at batas na kanyang gustong ipatupad sa lungsod ng Quezon sakaling palarin na maging susunod na alkalde ng lungsod.

“First of all syempre ‘yung first impression ko pagbaba ko pa lang, talagang gandang-ganda ako because I haven’t been here for maybe ten years hindi ako nakadalaw. So, nung makita ko talaga dito laking gulat ko. Nakita ko naman ‘to dati maganda na pero ngayon talaga nakakagulat para ka nasa ibang lugar. And of course it’s an honor to be here because first of all syempre to be interviewed by Pastor Quiboloy. It’s such an honor isa siya sa mga ating kinikilalang leader hindi lamang leader pang-espirituwal pero leader ng ating bansa. Isa sa mga leader natin na nagtutulak ng pagbabago at reporma sa ating lipunan at syempre karangalan ko rin na makabati sa kanya na ilang araw mula ngayon ay magsi-celebrate ng kanyang kaarawan si Pastor Quiboloy and I am very happy to be here and kahit na-push ko ‘yung campaign ko sa Quezon City pero okay naman worth it travelling to Davao and meet the Pastor and to see the compound nitong Kingdom,” pahayag ni Defensor.

Sa kalagitnaan ng programa, pabiro pang inihalintulad ni Defensor si Pastor Apollo na isang halimbawa ito ng isang magandang politiko na maaaring mamuno ng isang siyudad dahil sa kahanga-hanga nitong liderato.

“Kasi alam mo pagka nakikita mo yung isang bagay naano mo talaga na oh magaling na liderato ‘to. Maganda ‘yung pamamalakad nito.  Ngayon lang dito sa Kingdom makikita mo talaga ‘yung…nagpunta na rin ako sa Prayer Mountain kasi so nakita ko rin talaga ‘yung kung gaano kaganda, kalinis, kaayos ‘yung lugar.  Ngayon nga nakikita ko ulit kung ano ‘yung mga pagbabago dito sa lugar na ‘to and in fact binanggit naman niya kanina na pagka ‘yung lugar there is beauty, there is cleanliness, blessings will come. And I think that’s not only for Quezon City but for all cities, for all municipalities na ayusin natin ‘yung kalinisan, ayusin natin ‘yung kaayusan dahil pagka malinis, maayos, maganda ‘yung lugar, magkaroon din ng magandang pagbabago, magkaroon din ng blessings at pag-unlad,” ani Defensor.

Kaugnay nito, hinangaan din ng mambabatas ang pagiging malapit na magkaibigan nina Pangulong Duterte at Pastor Apollo.

Mula sa mga magagandang nangyayari sa bansa, naniniwala si Cong. Mike Defensor na magandang impluwensya si Pastor Apollo sa mga desisyon ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

“As a friend of the President I think he has been a di ko masabing influence pero ‘yung kanyang persona nakatulong sa mga…I’m sure bilang kaibigan nagbibigay guidance sa ating Pangulo ano ang mga dapat gawin, ano ‘yung mga kailangan gawin. Kahit ako, ngayon lamang sa aking pagdalaw, andami na naming napag-usapan na mga kailangang ayusin sa Quezon City, ‘yung mga kailangan kong gawin even if he is from Davao alam din niya kung ano ang mga kailangan na kung ano ‘yung mga dapat asikasuhin at ayusin sa mga taong bayan. So, I’m very happy that he is a friend of the President and he is also the friend of the future president Bongbong Marcos and I’m sure that he will be a good influence sa ating mga pangulo at sa mga lider ng ating bansa,” ani Defensor.

Sa huli, personal na nagpasalamat si Defensor kay Pastor Apollo sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya para maipaabot sa mga kababayan nito sa Quezon City ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng pagbabago sa sistema ng ekonomiya, edukasyon, at sa medikal na aspeto sa lungsod.

Kasabay dito ang kanyang mensahe para sa butihing Pastor para sa kaarawan nito ngayong taon.

“To Chairman Pastor Quiboloy first of all thank you sa lahat ng itinulong nyo sa ating bansa, personal po sa mga guidance na ibinibigay nyo sa akin. Salamat po sa inyong mga paglilingkod lalo’t higit nakikita ko po talaga ang inyong pagtulong sa mga kalamidad, sa mga sakuna nandyan po kaagad ang inyong mga volunteers, of course ang SMNI nandiyan po parati at yung iba’t ibang sangay ng kasapi ng inyong nasasakupan dito sa Kingdom. Thank you so much Pastor for all your help for the country and for our leaders that govern this nation. Pastor Quiboloy I wish you a happy, happy birthday. I wish you good health, pagpalain pa rin po kayo ng isang malusog na pangangatawan, gabayan pa rin po kayo ng Poong Maykapal sa inyo pong ginagawa na paggabay at pagtulong sa ating mga kababayan lalo’t higit sa mga mahihirap. To Pastor Quiboloy happy birthday po and God bless you always,”ani Defensor.

Follow SMNI News on Twitter