Pastor Apollo, nagpasalamat kay NSA Carlos matapos magpahayag ng suporta sa NTF-ELCAC

Pastor Apollo, nagpasalamat kay NSA Carlos matapos magpahayag ng suporta sa NTF-ELCAC

ANG pag-institutionalize sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pinakamagandang solusyon na nakikita ni Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI, upang tuluyang masugpo ang insurhensiya sa bansa.

Kaya naman sa live program ng Powerline nitong Miyerkules, ipinaabot ni Pastor Apollo ang kanyang pasasalamat kay National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos dahil sa pagpapahayag nito ng suporta sa NTF-ELCAC.

Matatandaan na noon ay nais lamang gawing council ni Secretary Carlos ang NTF-ELCAC, ngunit ngayon ay kumbinsido na itong mai-institutionalize upang maipagpatuloy ang tagumpay ng gobyerno laban sa makakaliwang grupo.

“Thank you Sec. Clarita, sa iyong statement na naliwanagan ka at nalaman mo kung ano ang kabutihan ng NTF-ELCAC, to solve the insurgency problem,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Salamat sa Ama at ikaw ay kasama na namin na naliwanagan dito at dapat na talagang i-institutionalize na natin ang NTF-ELCAC para makakuha pa tayo ng malaking budget at makatulong sa mga affected barangays na siyang pinaka-solusyon, wala na pong iba, pinaka-maganda at pinaka-solusyon na nakita ko,” dagdag ng butihing Pastor.

Kaugnay nito ay hinimok ng butihing Pastor ang mga mambabatas na aprubahan na ang pag-institutionalize nito upang makakuha ito ng mas malaking pondo para maipagpatuloy ang programa nito laban sa insurhensiya.

“‘Yung mga mambabatas, ‘yan ang ating solusyon, kaya aprubahan na ninyo ‘yan, sa lalong madaling panahon. So, ganyan sa buong Pilipinas, ganoon na, laban kasama ang bayan, ganoon na lahat. At nakikita ko na isang araw, mapayapa na tayo,” ayon sa butihing Pastor.

Positibo ang pananaw ni Pastor Apollo na magiging malaya at maunlad  na ang bansa kung tuluyan nang masugpo ang komunistang teroristang grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

“Ang NTF-ELCAC, ‘yan binuo sa wisdom ng ating pangulo, a whole-of-nation approach. ‘Yan, tatagpasin na kayo niyan lahat at ang Pilipinas ay magiging malaya na sa inyong pananalasa’t panloloko, pamamatay, pamumuksa. At kami, magiging malaya na. Tayong lahat lalaya at uusbong na ang ating bansa. Haharapin na lang natin, droga, korapsyon sa gobyerno, ‘yun na lang,” ayon kay Pastor Apollo.

Samantala, matatandaan na itinatag ang NTF-ELCAC sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na inisyu ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan nagresulta ito sa pagsuko ng higit 25,000 mga rebelde.

BASAHIN: National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos, nagbago na ang isip sa NTF-ELCAC

Follow SMNI News on Twitter